Kinokontrol nyo ba ang food intake ng asawa nyo to ensure na healthy sila?

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

As much as I can, yes. Iniiwasan ko na pakainin sya ng matatabang food kasi ang hilig nya sa taba, e sobrang lumalaki na din katawan nya and it seems he's not that healthy anymore. Kaya lang madalas ang hirap pa din pagsabihan, sobrang kulit. Mas masarap daw ang bawal.

Yes. Tinatakal ko na rice nya para di mapadami masyado ang kain. Tapos I see to it na balanced ang meal namin. Lagi may meat, veggies and fruits. Bihira na din kami magsoftdrinks or iced tea. If juice naman, we use fresh fruits.

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-19578)

Pinagsasabihan ko sya lagi pero makulit pa din. Mahilig sa fatty and salty food like chips. Mahilig din sa suka, bagoong, and the like. Ewan ko ba halos karamihan sa lalaking kilala ko mahilig sa ganyang food.

I remind him every meal kasi sobrang hilig niya sa taba. Sasabihin nya, hindi na siya kakain ng taba pero pag andiyan na, hindi niya ma control. Kung ako lang bumibili, hindi ko talaga hinahaluan ng taba.

Yes. Almost same ulam naman kinakain namin so ako, I'm not a fan of fatty foods. Pumupuslit lang sya minsan kasi sya naman ngluluto. Mahilig kasi sya sa mga binagoongan and maaalat and maaasim.

Lagi naman akong nagpapaalala sa kanya na maliit pa ang anak namin kaya hanggat maari ay control dapat sa pagkain para humaba pa ang buhay.