21 Replies
Ako momsh, I cut my hair shorter nung 3rd trimester ko as a preparation for baby's arrival. Natatakot kasi ako na pagbreastfeeding sya o pagnakahiga kami at bigla akong makatulog na nakalagay long hair ko sa face nya na di ko namamalayan, tapos hindi makahinga baby. Also nagpagupit ako kasi madami nagsasabi na hindi na ako makakapagsuklay pag may baby na hahaha
mag pagupit kna mamsh kng tingin mo hndi na hygenic... ok lng sundin mga pamahiin ng matatanda bsta alam u na nsa tama at hygienic pa din... icpn u na lng c baby kng ano mas mkakabuti... 😊
di nmn masamang mgpagupit sa panganay ko nag pagupit ako nun ang masama mag pa rebond kasi ung chemical nun may posible na malanghap ni baby sa tyan 7months preggy na po ako
Ako nga nag pa- syete haircut okay naman kami ni baby! 5 year old na siya, hindi pa siya sakitin, wag masyado paniwala sa sabi sabi ng matatanda. mas lalong nakakastress
Pwede magpagupit kaya nagppagupit lalo n pg malapit na manganak kc hndi agad nkkaligo. Tska ang alam ko kya nagppagupit kc pag nanganak bawal mgsuklay naglalagas buhok
Walang effect sa katawan ng buntis ang pagputon ng buhok. Mas maganda kung maliit ang buhok para madaling suklayin at di mabunot ni baby
hindi naman po masama.. dito po samin advice na magpagupit kasi kukutuhin or mapupunta sa buhok ung nutrients na para sana kay baby
Ang msama dw po kc ay ung mababad ka sa salon kc malalanghap mo lahat ng chemical. Pero hndi bawal magpagupit,
pwede nman po, ako nga po gusto ko mag try ng hair cut na pa syete e, kaso baka di bagay sken hehehe
syete haircut is best para hindi masabunot ni baby pag breastfeeding! it's perfectly safe and recomendable!