11 Replies
okay lang yan haha natatawa lang kasi ako, di talaga kami close nang mil ko, same kami na nag asawa ulit tapos ayaw na ayaw niya sakin mas worst pa nga yung sakanya dalawa na anak nya tapos ang financial gusto pa e asa sa anak niya, pinag chichismissan nya pa ko sa mga kapit bahay namin na ayaw nya daw sakin at NEVER talaga, lakompake naman haha mas worst yung sha pinagbantay nang partner ko kasi nag tatrabaho ako sa malayo, marami pasa anak ko (take note anak namin nang anak nya) tapos nag sumbong pa sakin na pinalabas daw sha nang lola nya sobrang dilim sa labas nang bahay kasi ayaw din daw tumahimik kakaiyak, nakakap*tngina lang ba. Di ko nagawa yan sa anak ko kahit malagyan nang pasa di ko nagawa, sarap sana kasuhan kaso naawa pa ko matanda na, swertehan nalang talaga sa mga MIL na mababait, kahit ngayon buntis ako sa pangalawang anak namin nang anak nya, isang beses nya lang ako nakita🤣 ayaw ko talaga sana magpakita kaso pinipilit ako nang partner ko, basta naiirita ako makita yung MIL ko na ubod nang kaplastikan.
di rin kami close ni MIL kasi hindi sakanya lumaki si hubby at withing 14yrs namin ni hubby 3times palang sya umuwi ng pinas pero dadalaw lang kay hubby like 1day lang since may sarili na syang ibang pamilya. pero si hubby close kay mother, father at mga kapatid ko. since halos lalaki mga kapatid ko. 14 years na kami and talagang maswerte naman si hubby at ako din syempre, mas close pa sya sakanila kesa sakin. which i prayed talaga kasi close ako sa family ko. yung alam ko kahit iwan ko sya sa mga kapatid ko di sila magiging stranger sa isat isa. 😊
di rin kami close ng mil ko kasi chismosa.. nung una okay naman kami kaya lang nung may hindi lang siya nagustuhan sakin chinismis na ako sa mga kamag anak niya. masakit din siya magsalita pero hindi ako sumasagot sa kanya, iniiwasan ko na lang para walang gulo. gusto ko na din bumukod dahil madalas na akong naistress lalo na kapag may mga nakakarating sakin na chismis niya patungkol sakin.
Hindi rin ako masyado close sa sisters in law ko. wala na silang parents. Siguro kaasi from the start pinakita agad nila sakin na yung ex ni hubby ang tinuturing nilang sisters. Even sa greetings sa socmed, yung ex pa rin tinatawag nilang sis and basta super close silang lima. Kaya siguri di na ko nag bother magpilig makipag close. pero civil nman kami.
kami din di close ni MIL kasi malayo siya minsan lang kami magtawagan😅 pero mabait naman mil ko talaga pag nauwi ako province mas niyayakap pa ko kaysa sa asawa ko.. 😄 pero syempre iba pa rin ang closeness namin ng mama ko kaysa kay MIL.. I think mas ok yun at mas ok na malayo kasi di talaga maiwasan may misunderstandings pag magkakalapit.
haha i think normally marites talaga ang mga MIL.. malay mo kahit tayo pag naging MIL balang araw mga marites din tayo ahaha😅... narealize ko lang din na ang swerte ng mga manugang na tinuturing silang anak ng mga byenan nila.. at the same time mga manugang na tingin nila totoong magulang nila mga parents ng asawa nila🥰
Mas ok na yung di close para naman kahit papaano medyo mahiya sila. Base sa akin close ko before kami magka family pero nung hingi na sila ng hingi ng pera para sa mga unreasonable things at kapag lumalapit kami sa kanila kapag kami naman ang nangangailangan wala nganga. Since that day hindi na kami nag uusap masyado ng in laws ko
Ganyan din ako mahiyain din ako kung di moko tatamungin di ako magsasalita. Pero alam mo mii mas okay patin na kahot minsan nakikilag usap ka sakanya kasi minsan namimisinterpret tayo kesyo masungit or baka isipin nila ayaw natin sakanila. Para narin po may peace of mind kayo
di rin kami close ng mil ko . Ngaun inaaral ko maging tahimik masyado kasi akong madaldal tapos sila tahimik ayaw nila sa madaldal😔Madaldal ako pero di naman chismosa sadyang palakwento ako sa buhay namin . Mukhang naasiwa sila kaya naiingit ako sa babaeng tahimik lng.
huwag mo na tangkain makipagclose to any member basta inlaws masisira lang buhay mo, LAHAT ng ssbhin mo kung. hindi kakalat sa angkan nila eh gagamitin nila laban syo
Oo din mii, may pagka marites din po mil ko kaya ayaw ko makipag close. Bkw mamaya kinukwento na ko sa mga kaibigan niya, alam ko kasi ung the way na magsalita siya tungkol sa ibang tao
hindi naman necessary na maging close. Makisama ka lang, like if ever may family gatherings kayo then just try to act casual and socialize if needed 😊
Anonymous