paanu po sasabihin sa magulang kung buntis ka?
Kasi po 16 palang ako mag 17 palang ngayon taon paanu kopo sasabihin to ?
Parehas tayo pero 17 nako tas next year 18 na. Nag pt muna ko mga apat na beses tas sinabi ko sa bf ko tanggap nya tas nag ipon ako ng lakas ng loob para sabihin kay mama. Mga 3 months na tummy ko sinabi ko na kinagabihan kay mama nung tulog na mga kapatid ko pumunta ko sa higaan nya tas niyakap ko sya tas kwinento ko na na meron ng nangyari samin tas hindi pako dinadatnan. Ang pinalabas ko sya ang unang nakaalam o sinabihan ko kasi ang mga mama natin gusto nila kahit anong edad na natin basta may problema, sila ang unang dapat maka alam kasi naniniwala silang sila at sila parin ang tutulong samin. Iyak ng iyak si mama tas naging mas maalaga sya sakin. Nandun parin yung pagtatalo kasi may mali sa ginawa natin pero wag na wag kang sasagot kasi ngayon mas maiintindihan mo na yung pakiramdam nila. Kahit napapagalitan nya ko minsan pinapakain nya parin ako ng pinapakain hahaha. Yung mga susunod na hakbang o plano kung pano sasabihin sa pamilya ng lalaki o sa mga kapatid nyo ay ipaubaya mo sa mama mo. Wag na wag kang gagawa ng katwiran sa ginawa mong mali o kapabayaan pero wag na wag mong paparusahan ang anak mo o gugutumin kasi nararamdaman nya lahat yan. Hindi sa prino-promote ko ang teenage pregnancy pero simula nung nabuntis ako mas naintindihan ko lahat ng pangaral ng mama ko,pahalagahan sarili ko at kung sino ang mananatiling totoo sa tabi mo pag nagkanda leche leche buhay mo. Wag kang papalugmok sa mali mo mag aral ka parin mas pagbutihin mo, habang buntis ka iobserve mo ang partner mo kung ginagawa nya ba yung part nya at ipaalam mo rin sakanya ang hirap mo para di na muna masundan pa o maulit uli. Sa gantong paraan mas nakikita natin na blessing talaga tong binigay satin at the same time lesson narin.Goodluck🍕✨
Magbasa paAko ginawa ko nun, nag pa utz muna ako mag isa di alam nila mama. Tapos si mama ko una kong sinabihan. Sabi ko ma nag pa check up po ako. Akala ni mama may sakit ako. Tapos yun sabi ko hindi tapos binigay ko yung ultrasound ko. Si mama, sobrang saya. Si papa medyo na dismaya. 20 ako nabuntis, 21 ako nanganak. Freshly grad and kakapasa lang as labtech. Dating pulis din si papa pero di niya ako sinigawan, sinaktan. Kinausap lang ako tapos sabi kung saan ako masaya at kung papanagutan kami ni baby, tanggap niya ang nangyari saakin. Never ako sinamahan ng asawa ko na magsabi kala mama. Takot kasi asawa ko ki papa ko. Anyway, Iba iba tayo ng ugali ng magulang. Tignan mo kung ano pwede gawin. Pero di maaalis na magalit sila. Kasi mahal nila tayo kaya sila nagagalit. Disappointed lang sila kaya sila nagagalit. Pero pag nakita na nila apo nila, mag babago yan( idk sa iba). Lalambot ang puso nila pag dating sa apo. Goodluck girl! Pag prapray po kita🤗🤗🤗
Magbasa paAko 17 nabuntis ngaun 18 nako 36 weeks preggy nako ...sa una uo mahirap nakakatakot pero kelangan mo tlaga sabihin yan sa parents mo..sakin gusto na tlaga ng bf ko na mag ka baby kami kaya nong nalaman namin na preggy ako pumunta agad sya sa bahay dalawa kami mismo nag sabi sa mga magulang ko..pero ako subrang kava ko tlaga kaya halos d ako maka pag salita yong bf ko kce disidido sya kaya sya tlaga mismo kumausap sa parents ko..basta pray klang sis tas lakas lang ng loob kce. Habang dmo cnasabi yan lalo lang lalala ang sitwasyon nyo..ngaun excited na parents ko makita apo nila☺️lagi akong binibisita then ingat na ingat nila baby ko kahit sa tummy palang sya...☺️☺️☺️ Pray lang sis and lakas ng loob.. #36weeks and 2 days preggy☺️
Magbasa paask mo na agad sa parents mo sis . baka ma stressed kapa nyan kakaisip di maganda yun sa health mo at ni baby. kapatid ko 16 din nag buntis kase nakipag tanan sya lola ko nalang nag aalaga samin 8mons nya nailabas ang bata kase sobrang stressed kakaisip nya na mali ang ginawa nya. natamay ang pamangkin ko kase labas ang bituka gawa di masyado nakakapag pacheckup kase nga bata pa sila ng partner nya di alam ang gagawin , pero ngayon buntis ulit kapatid ko okay naman duedate na nya ngayon week . napatawad na sya ng lola ko , kung ako sayo sabihin mo na. para may katulong ka sa pag bubuntis mo at dika nagiisip .
Magbasa pahi mamsh. 25 yrs old ako ngayon and expecting ng 1st baby. any day this october lalabas na sya. told my parents about it nung march lang mag 3mos na tyan ko nun. Nagalit ba sila? Kinda. Sumama ang loob but eventually natanggap din dahil wala naman silang choice. May work naman kami ng partner ko (married na kami last month lang) so wala naman silang poproblemahin. In your case napakabata mo pa. Best if dalawa kayo ng bf mo magsabi sa parents mo. For sure andun yung magagalit sila pero kung mahal ka naman tlaga, tatanggapin nila. Pakatatag ka lang and iwas stress.
Magbasa pasabihin mo sa magulang mo na kasama ung ama ng anak mo with humbleness at may pagsisisi, tanggapin nyo ung mga sasabihin nila kahit masakit man kasi consequence yan ng ginawa nyo. Pangakuan nyo sila na hindi kayo mgpapabaya sa pag-aaral nyo at gagawin nyo lahat para mapalaki ng maayos ang anak nyo, at kahit bata ka pa gawin mo ang lahat para maging hands on sa anak mo wag iasa ang pag-aalaga sa magulang, nkakahiya naman sa kanila. Be responsible, kaya nyo yan! lahat nman ng magulang mahal ang anak nila e maiintindihan ka nila. ☺️☺️☺️ goodluck
Magbasa pakung kayo pa nung guy at aakuin nya, better na kasama mo sya magsabi sa parents mo. at first di nila matatanggap yan since di ka pa tapos magaral, di pa kumikita ng sariling pera. basta ipakita mo sa kanila na willing kayo magtake ng responsibilities towards your choices. nandyan sila para isupport ka at yung bata, given, pero in the end pamilya mo yan, ikaw pa rin ang kelangan magtake ng responsibilities not your parents. just be honest with them, kesa itago mo ng itago yan sa kanila, lalo mo lang silang sasaktan.
Magbasa paHija, there’s no other way of telling your parents that your pregnant other than telling them directly. Yes, this will break their hearts and expect them to be super mad with you. But trust me, as parents, sila din ang tutulong sayo. Sabihin mo na habang maaga. Also, ask for their forgiveness. Having a baby isn’t a mistake but a blessing, pero kasi un expectation nila sayo, dun mo sila nadisappoint. Just promise them na itutuloy mo studies mo and maging inspiration mo si baby para makapag tapos agad.
Magbasa paako nga 20 yrs old ako nabuntis. 1 sem na lang graduate na. tinapos ko lang ung mga subjects ko hanggang march. 4 mos ko tinago. mga april ko na sinabi kung kailan tapos na yung school year. nadismaya nanay ko kasi sknya ko muna sinabi. may pagkaclose din kami. tas si mama ko nagsabi kay daddy kasi napapansin ni daddy na tumataba ako. nagalit daddy ko pero di ako sinigawan. di ako pinalayas. di lang ako pinapansin ng daddy ko. hanggang sa manganak ako at sa kasal ko. di siya pumupunta.
Magbasa pahabang maaga pa sabihin u na po kc mahirap pag huli na sinabi.. tulad ng pinsan ko nalamn lang ng parent nya na buntis siya noong 7 monht na yung baby na hospital siya nag kaanak siya d sa oras kc sa subrang strick ng parent nya d nya pinaalam tinago nya.. but noong nakalabas na si baby natangap nalang din nila.. kaya its better kung sabihin mo na po matatangap dn nila yan walang magulang na tiiisin ang kanilang ank lalo na sa ganyang situation..
Magbasa pa