paanu po sasabihin sa magulang kung buntis ka?
Kasi po 16 palang ako mag 17 palang ngayon taon paanu kopo sasabihin to ?

Ako ginawa ko nun, nag pa utz muna ako mag isa di alam nila mama. Tapos si mama ko una kong sinabihan. Sabi ko ma nag pa check up po ako. Akala ni mama may sakit ako. Tapos yun sabi ko hindi tapos binigay ko yung ultrasound ko. Si mama, sobrang saya. Si papa medyo na dismaya. 20 ako nabuntis, 21 ako nanganak. Freshly grad and kakapasa lang as labtech. Dating pulis din si papa pero di niya ako sinigawan, sinaktan. Kinausap lang ako tapos sabi kung saan ako masaya at kung papanagutan kami ni baby, tanggap niya ang nangyari saakin. Never ako sinamahan ng asawa ko na magsabi kala mama. Takot kasi asawa ko ki papa ko. Anyway, Iba iba tayo ng ugali ng magulang. Tignan mo kung ano pwede gawin. Pero di maaalis na magalit sila. Kasi mahal nila tayo kaya sila nagagalit. Disappointed lang sila kaya sila nagagalit. Pero pag nakita na nila apo nila, mag babago yan( idk sa iba). Lalambot ang puso nila pag dating sa apo. Goodluck girl! Pag prapray po kita๐ค๐ค๐ค
Magbasa pa


