paanu po sasabihin sa magulang kung buntis ka?

Kasi po 16 palang ako mag 17 palang ngayon taon paanu kopo sasabihin to ?

32 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Parehas tayo pero 17 nako tas next year 18 na. Nag pt muna ko mga apat na beses tas sinabi ko sa bf ko tanggap nya tas nag ipon ako ng lakas ng loob para sabihin kay mama. Mga 3 months na tummy ko sinabi ko na kinagabihan kay mama nung tulog na mga kapatid ko pumunta ko sa higaan nya tas niyakap ko sya tas kwinento ko na na meron ng nangyari samin tas hindi pako dinadatnan. Ang pinalabas ko sya ang unang nakaalam o sinabihan ko kasi ang mga mama natin gusto nila kahit anong edad na natin basta may problema, sila ang unang dapat maka alam kasi naniniwala silang sila at sila parin ang tutulong samin. Iyak ng iyak si mama tas naging mas maalaga sya sakin. Nandun parin yung pagtatalo kasi may mali sa ginawa natin pero wag na wag kang sasagot kasi ngayon mas maiintindihan mo na yung pakiramdam nila. Kahit napapagalitan nya ko minsan pinapakain nya parin ako ng pinapakain hahaha. Yung mga susunod na hakbang o plano kung pano sasabihin sa pamilya ng lalaki o sa mga kapatid nyo ay ipaubaya mo sa mama mo. Wag na wag kang gagawa ng katwiran sa ginawa mong mali o kapabayaan pero wag na wag mong paparusahan ang anak mo o gugutumin kasi nararamdaman nya lahat yan. Hindi sa prino-promote ko ang teenage pregnancy pero simula nung nabuntis ako mas naintindihan ko lahat ng pangaral ng mama ko,pahalagahan sarili ko at kung sino ang mananatiling totoo sa tabi mo pag nagkanda leche leche buhay mo. Wag kang papalugmok sa mali mo mag aral ka parin mas pagbutihin mo, habang buntis ka iobserve mo ang partner mo kung ginagawa nya ba yung part nya at ipaalam mo rin sakanya ang hirap mo para di na muna masundan pa o maulit uli. Sa gantong paraan mas nakikita natin na blessing talaga tong binigay satin at the same time lesson narin.Goodluck🍕✨

Magbasa pa
Related Articles