Karaniwan po ba
Karaniwan po ba na kapag housewife ka, itinuturin ng asawa mo na palamunin ka lang nya? Na sasabihin nya sayo palagi na wala ka kung hindi dahil sa kanya. Dagdag ka pang sa konsumo kaya lumalaki ang mga bills. Palagi nya isisisi sayo yung mga bayarin sa bahay. Wala ka raw naitutulong at naiaambag sa lahat ng bayarin sa bahay. Ang hirap kapag kakapanganak mo pa lang. Tapos walang mapag iiwanan sa mga anak nyo. Paano ako makakapag trabaho.
working mom po ako. dating mas mataas ang sweldo ko sa asawa ko. pero nung nakunan ako, nagresign ako. ngayon may trabaho ako ulit pero di hamak na mas mababa sa sweldo ng asawa ko ang sweldo ko. minsan nararamdaman ko to na wala akong say sa bahay, umaasa lang sa kita ng asawa. pero baka ako lang yun gawa ng kapapanganak ko lang din. sensitive tayo mommy kasi nagbago ng bongga ang katawan natin. nasasaktan ako para sayo. 😔. sana may suporta ka. kasi mahirap kung kayo lang dalawa ng asawa mo tapos ganyan pa ang trato nya sayo. hindi ko po alam kung karaniwan nangyayari ito pero hindi po ito normal. eto po isipin nyo. sya ang naghahanap buhay pero ikaw bilang nanay, nagluwal ka ng buhay. kaya wala po sya dapat isumbat sa inyo. may role po ang bawat isa sa bahay. pagusapan nyo po ni mister nyo. baka nappressure din sya. communication is key po. kung ganun pa rin ang turing nya sa inyo pagkatapos nyo magusap, saka na po kayo magisip ng dapat gawin para maprotektahan nyo ang sarili at mga anak nyo. God bless mommy! sana maging okay po abg lahat para sa inyo.
Magbasa paSad to say, ang babaw ng tingin ng asawa mo sa gender roles. Kakapanganak mo lang, he should have known better. Your body went through a process. Try to recommend na sya mag-stay in, ikaw mag-work. If he reacts outrageously, hindi pantay ang tingin nya sa sarili niya at sayo, bilang babae.
hindi. its just that yung asawa mo di nya alam ang hirap ng isang housewife.