1953 responses

Yes. namatay po bunso ko nung Feb 20, 2020. nakipaglaban sya sa sakit na ebstein anomaly.. isang rare na sakit sa puso. sira ang right part ng puso, ung left part may butas na may sumisirit na dugo, ung gitnang bahagi ng puso butas din. pero lumaban po sya. umabot po sya 9months & 9days old. nasa saudi daddy nya since nanganak ako, pero nung critical na sya. nasa icu na kami. nag emergency exit na daddy nya sa saudi kasi never pa sila nagkitang mag ama eh. nung nagkita sila hindi man lang nakarga ng asawa ko ng buhay anak namin kasi nangingilala pa sa kanya. pero nung gabi, asawa ko lang gising at nagbabantay sa knya, ndi na sya umiyak. (fyi, nasa ospital padin po kami nito) tapos kinabukasan ng umaga.. namatay na si baby ππ diko matanggap sobra. nagalit ako sa dyos at never nako nagdasal at nagsimba. pero nung ndi nako dinatnan nung november, nagpt po ako at positive π wala po sa plano. pero binigyan kami ulit ng baby. sana lang dis time healthy na po tlaga si baby. 5months preggy na po ako ngayon at sa July po due date ko. wish ko sana baby boy at healthy. pero kung ndi baby boy, ok lang. basta po healthy. pasensya na napakwento po ako
Magbasa pa


