28 Replies

Super Mum

Hindi lahat ng panganay mommy kamukha ng tatay. Ako kasi yung baby boy ko ako ang kamukha. Shape ng face, lips, cheeks at cleft chin lang nakuha sa husband ko. Ever since na nasa hospital kami yung mga nurse and OB ko ako sinasabing kamukha ni LO and lahat ng nakakakitang mga kakilala namin at even yung mga nakakasalamuha lang namin before ako ang sinasabing kamukha ni LO. Ni wala ngang nagsabing kamukha ng husband ko si LO pati family nya ako sinasabing kamukha. Haha. Pero wala naman akong narinig na hindi sya ang father. Grabe naman yung comments na yun mommy. Hayaan mo na lang mommy.

sakin din mamsh. kamukha ko. although may panganay na sya pero lalaki. kung tutuusin ito ang first girl na anak nya. madami nagsasabi na kamukha ko baby ko lalo na sa mata pero may iba rin na nagsasabi di raw ganun itsura ko nung bata. pero aminado ako na wala akong makitang features ng tatay sa baby ko hahahaha may isang beses lang, na parang naging kamukha ng baby namin ung pinsan nyang babae. ayun lng hehehe

sakin naman baby girl din pero kamukhang kamukha ng daddy. sinasabi Nila Wala daw nakuha sakin, yung pempem lang daw. inire ko lang daw hahahaha look a like kasi ni hubby parang mini version niya. Pero sabi naman Nila magbabago pa daw ung mukha ng baby habang lumalaki kaya baka maging kamukha ko din, hoping talaga ako hahahaha

wag mona lang sila pag iintindihin mommy alam mo naman sa sarili mo na fake news lang sila wag mona lang sila patulan mga walang pinag aralan lang nagsasabe ng ganun d kase halos lahat ng panganay kamuka ng father pero ako po kamuka ng panganay ko papa nia ung pangalawa saken naman po etong pangatlo ewan lang sana mix 😊 ..

VIP Member

Haaay! Toxic naman ng mga nagsasabi sayo nian Mommy! Nakakairita. Kung yung husband mo sure naman sa kanya yung bata bakit sia makikinig or paapekto. Tsaka sure ka naman din ah! Meron nga akong kilala yung panganay nilang girl din walang kamukha sa magulang. Wala namang nagtanong!

panganay po ako, kamukha ko mother ko, pero parehong pareho daw kami nang ugali nang father ko😁 panganay ko naman na babae kuha lahat sa tatay pati ugali. minsan hndi pa kami napagkakamalan mag nanay. ngayun kabuwanan ko sa pangalawa namin ni hubby, sana kamukha ko na.😊❤

Vj ko bhe kamukha ng tatay. Jenyl kamukha ko daw. Ito kaya baby jo-ann/jo-ann jr ko, kanino kamukha? 😍🙏

Girl bakit mo proproblemahin iniisip ng iba? Ikaw, kayo naman ng husband mo ang mas nakakaalam. Kahit naman kamukha ng asawa mo o hindi may masasabi sila. You don't need to prove anything unless kayo mismo mag asawa ang in doubt. Just saying. 🤷🏻‍♀

haaay nako momsh,hayaan mo sila,ako last time na nagpa 4D ako kmukhang kamukha ko si baby,tuwang tuwa pa daddy nya kase nga daw para akong nananalamin.yaan mo sila momsh,basta alam mo sa sarili mo kung ano ang totoo.

same po tayo yung baby ko girl din and kamukha ko sya awa ng diyos di naman ganyan sakin ibang tao. sa ugali di ko pa alam baka sa ama nya makuha haha. wag mo na lang sila pansinin sis mastress ka lang.

Hndi lahat po kamukha Ng husband Yung panganay. Panganay q din po is boy at halos lahat Sakin nakuha except sa mata pati sa putotoy nya 😅 kaya hayaan mo sila sis mas malakas dugo o lahi mo 🤗

Trending na Tanong