BAWAL DAW BIHISAN SI BABY NG DIKULAY NA DAMIT?🤪

Kapag daw wala pang 1 year old si baby, bawal daw bihisan o pagdamitin si baby ng dikulay! Dapat white lang daw! Napakaraming pamahiin😪 yung mga artista nga eh, iba't iba pang kulay ang pinapasuot sa mga babies nila💁‍♀️ Hay, napakaraming pamahiin, mga byenan nga naman oh. Minsan lang maging baby ang mga anak naten, kaya dapat ine-enjoy lang every single day😅

34 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kairita minsan mga oldies sa mga pamahiin pati sabi-sabi nila. Tas pag di ka makikinig, galit na galit. Hay. Kaya mas maganda naka bukod ng bahay, yung tipong kayo lang dalawa ng partner mo para walang nakikialam. Di mo lang napa-arawan ng isang araw si baby kasi puyat ka kaka-breastfeed pati nagrerecover pa from giving birth, dami ng sinasabi ng mga matatanda. Minsan naiiyak nalang ako kasi mafefeel mo yung parang “shet, am I failing as a mom?” “Mali ba ginagawa ko sa baby ko? Nagkukulang ba ko?” Mahirap talaga kapag may nakikialam sa baby mo, lalo na kung kakapanganak mo lang eh malapit ka sa postpartum depression. Konti or mababaw lang, emotional tayo masyado. They should know that, right? They should’ve been more sensitive because hello, we just gave birth and hindi madaling mag adjust after baby’s arrival. Anyways, wag mo pakinggan mga nasa paligid mo dear. Enjoy mo lang yung baby mo kasi mabilis silang lumaki. Good luck mama!! 😬

Magbasa pa
3y ago

Feel ko yan. Juskooo nakakainis. Ang hirap kaya gumising ng maaga tapos puyat