34 Replies
Kairita minsan mga oldies sa mga pamahiin pati sabi-sabi nila. Tas pag di ka makikinig, galit na galit. Hay. Kaya mas maganda naka bukod ng bahay, yung tipong kayo lang dalawa ng partner mo para walang nakikialam. Di mo lang napa-arawan ng isang araw si baby kasi puyat ka kaka-breastfeed pati nagrerecover pa from giving birth, dami ng sinasabi ng mga matatanda. Minsan naiiyak nalang ako kasi mafefeel mo yung parang “shet, am I failing as a mom?” “Mali ba ginagawa ko sa baby ko? Nagkukulang ba ko?” Mahirap talaga kapag may nakikialam sa baby mo, lalo na kung kakapanganak mo lang eh malapit ka sa postpartum depression. Konti or mababaw lang, emotional tayo masyado. They should know that, right? They should’ve been more sensitive because hello, we just gave birth and hindi madaling mag adjust after baby’s arrival. Anyways, wag mo pakinggan mga nasa paligid mo dear. Enjoy mo lang yung baby mo kasi mabilis silang lumaki. Good luck mama!! 😬
Pag white mas presko and madali makita kung may dumi, insects etc. Ako noon puro white talaga damit ng baby, pambahay nya, sando and shorts, pero may colored and printed clothes din sya pang rampa and pang picture syempre, mga pang alis nya ganern💕Nasa preference mo yan sis. Gawin mo lang gusto mo kesa nagregret ka na di mo nagawa or wala kang pic na naka porma si baby. Minsan lang sila baby, mabilis lumaki kaya gooo. Deds mo na mga tanders hehehe 😁
sis sabi ng pedia ko mas better nga na white lang muna ang ipasuot sa mga sanggol na mas mababa sa isang taon hindi dahil sa pamahiin pero dahil mas madali mo machecheck if may insekto o bugs ba na nakakapit sa damit ni baby kasi daw minsan sa sampayan nakukuha yung mga ganon. kung maayos naman sistema mo ng pangangalaga ng damit ni baby okay lang na mag di kulay 😊 double check parin para sure na comfortable si LO.
actually for me hindi naman sa pamahiin,.mas gusto ko din gamitin ay pure white muna kay baby lalo na kung newborn,maaari kasing magkarashes si baby sa ginamit na pangkulay sa damit and 1 thing more is mas madaling makita sa puting damit ni baby kung may dumi or insekto na maligaw..para sakin lang naman po ito😊
baby ko nga momsh ano2 kulay na pinapasuot ko.. ganyan din pamilya ng husband ko ayaw pgsuotin ng dikulay si baby pero wla silang magawa hnd ko nmn sila sinusunod pti suportado ako ni hubby ksi nacucutan din sya sa mga damit na nabibili nmin. ang sexy sexy ndaw ni lo..hahaha. hayaan mo momsh, baby mo nmn yan eh..
as pedia po kasi colored clothes have more dye na maaring makasira o maka sama s balat ni baby at very young age.lalo pa if si baby is atopic skin or sensitive skin ..and white probably para presko si baby pag dark colored or colored it adds heat or init sa pakiramdam lalo na po apg mainit ang panahon
hahahaha totoo to. lagi sinasabi saken ni hubby ko na white lang ipasuot. pero di ko mapigilan kasi baby girl and first time mom ako hehehehe sabi ni hubby dapat daw white lang susuotin ng anak nya hanggang 1 kasi pag lumaki daw hindi baduy manamit hahaha
Ang reason kasi jan is kaya preferred ang white/light colors para makita agad kung may insekto/dumi na nakalapit kay baby. Very useful tip siya for me kasi minsan may nakita akong langgam sa bedding ni baby, buti na lang light colored kaya nakita ko agad.
Mas preferred ko din talagang all white si baby pero hnd nmn hanggang 1yr old haha. siguro hanggang 4or 5months haha. parang ang presko lang din kase ng white. Byenan ko nmn pamahiin nya magiging maarte daw paglaki pag sinuotan ng d'kulay na baby pa. 🤣
inlaw ko din, kada bibili kami ng damit for baby kelangan icheck nya muna kung puti kasi hindi daw baduy magsuot ng damit pag lumaki 😂
Pag baby na baby pa, mas maganda white kasi makikita mo agad if may langgam nagapang, pero no problem naman sa pagsuot ng makulay, basta mild detergent ang gamit, or yung pang baby tlga na detergent and fabcon ang gamitin sa damit.
Mommy