Kapag ba may malaking kasalanan na nagawa ang anak mo, kunwari, drug lord pala siya. Ilalaglag mo ba siya at isusuplong sa mga pulis?
Para sa akin, oo. Ire-repor ko sya sa Pulis. Masakit na makita ang anak mo na naka-kulong pero mas masakit na makita mo na ang anak mo ay nabubuhay sa kasalanan at pinakamasakit ay malalaman mo na lang na ang anak mo ay npatay ng mga kasamahan nyang adik o tulak dahil sa hindi pagkakasundo o sinadyang pinatahimik na para hindi na makapag salita pa sa pulis laban sa ibang member ng samahan nila. Magka ganon pa man, hindi mawawala an pag mamahal ko sa anak ko. Ayaw ko lang i-tolerate ang kasamaan na ginagawa nya.
Magbasa paFor me hindi , sino ba naman ang magulang na hayaang makulong ang anak diba ? Kahit na sabihin nating drug lord sya still he/she has a chance na magbagong buhay . Hindi porket makasalanan na di na nagbabago lahat tayo sa mundong ito may pagkakataong baguhin ang buhay natin lalo na para maging mabuting tao . Tayong magulang handang gawin para sa anak natin ang lahat ng makakaya kahit labag man ito sa loob kasi mahal natin sila at ayaw natin silang magdusa .
Magbasa paSiguro hanggat kaya ko pang gawan ng paraan para mapabago sya, I'll give him a chance. Pero pag sakit na talaga ng ulo at pati ako na magulang nya ay hindi na kayang sundin sa mga bagay na ikabubuti nya, I have no choice kundi isumbong sya. It's for his own good although as a parent sobrang masakit but I don't want to tolerate such kind of acts, especially drug lord?? My goodness..
Magbasa paAko siguro, susubukan ko gawin lahat para mapabagong buhay sya. Pero kung makikita ko na talagang walang pag-asa na pakinggan nya ako, kelangan ko na humingi ng tulong sa kinauukulan. Hindi para lang isuplong ang anak ko kundi para ilayo na sya sa mas matinding kapahamakan.
Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-13925)
Sa panahon ngayon, mas mainam na pasukuin na lang ang anak ko o isuplong sa mga pulis kesa naman makita ko na nabaril na sya dahil ayaw sumuko.
Yes. Mahal ko sya and want to protect him but my love for him is also shown pag sinumbong ko sya sa pulis. Tough love pero love pa din.