Threathened Miscarriage ???
Kaninang umaga po, nagplantsa ako. Pero sumasakit sakit na po ung puson ko. Yung sakit po niya parang rereglahin. Bigla po pag CR ko kasi iihi ako biglang may pumatak na dugo. Tumawag po ako agad kay OB. Tinanong niya kung may lumabas daw ba na buo, sabi ko wala naman po. Sabu ni OB, if parang naglalabor na daw yung pain and may lumabas na buo, sugod agad sa ER. Pinag full bedrest niya ako ng 3 days and bawal muna pumasok sa work (pang 2nd week absent ko na ito). Inom daw ulit ng duphaston 3x a day for 7 days. First time baby ko po ito and di ko alam ang feeling ng labor. Nakakatakot makunan kasi gusto ko na magka baby and PCOS din po ako ???
FTM - Baby Boy with Hirschsprung's