Pakealamerang Biyenan

Kaninang 4:30 am pumutok panubigan ko dumiretso kami sa kumadrona kasi yun yung gusto ng biyenan ko. Sobrang kuripot kung tutuusin may pera naman. 8 months tiyan ko pinapabalik ng doctor tapos sabi niya kahit wag na kasi sabi ng kumadrona okay naman na raw kaya naman daw ng normal delivery. Tapos kanina tiningnan 1cm palang pinadala na kami sa hospital kasi raw baka macs ako delikado raw kasi. Sa sobrang pagtitipid ng biyenan ko ilalagay pa kami sa kapahamakan. Nasa hospital na kami nagmamarunong pa rin sabi ba naman paglakarin daw ako sinaway siya Ng nurse di na raw pwede kasi mauubusan ako ng tubig. Tanghali na nagmamarunong pa rin tanong pa ng tanong sa nurse kung pwede ako maglakad juskoooo nanghihina na nga ako. Sana umuwi na masyado na pakealamera gusto ko na kausapin asawa ko kasi naiinis na talaga Ako kaso baka mag-away sila mas mastress lang ako. Nagsisi ako kung alam ko lang nagpacheck up nalang Ako para Wala Ako sa sitwasyon na to. May kausap siya kamag-anak tapos parang pinapalabas na nag iinarte ako. Gusto niya pa nga sa bahay ako manganak eh tapos nalipat sa public tapos sa kumadrona. Update: NaCS po ako at napagalitan pa ng doctor.

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nakakainis naman iyang pakielemera mong Biyenan mommy kung ako sayo stress ka na nga sa anak mo at panganganak pauwiin mo na iyan Biyenan mo. Marunong pa sa Doctor at Nurse. Dagdag isipin mo pa siya. Delikado ang mawalan ng panubigan dahil baka magkaroon ka ng fetal distress. At bumukod kayo magasawa, kasi malamang paglabas ng apo niya. Kung ano ano nnman pamahiin ang gagawin niya sa anak niyo like manzanilla at bigkis which is hindi na natin ginagawa ngayon. Nakoo. Ako nastress sa biyenan mong walang ambag kundi stress!

Magbasa pa
3y ago

di ako bumili niyan bigkis atsaka Manzanilla pero Siya bumili ng bigkis para di raw malaki yung tiyan