UTI, 30 weeks of pregnancy

kanina sinugod ako sa emergency. SOBRANG SAKIT ng balakang ko sa kaliwa, basta bigla nalang sya sumakit at napapasigaw, napapaluhod na ako sa sobrang sakit. Nilaboratory lahat at lumabas sa urinalysis ko na may infection nga ako, feeling ko mapapaanak na ako kanina sa sobrang sakit eh at humihilab/naninigas din ang tyan ko. Di ko kinaya sobrang hinang hina ako at maputla. 30weeks of my second pregnancy kaya takot na takot ako, sabi ko sa sarili ko ahibdi ako pwede mapaanak dahil premature pa si baby, IE ako kanina at sarado cervix ko kaya sabi ng doctor wag daw ako sisigaw dahil baka marupture at mapaanak ako inhale at buga daw sa bibig.. Ayun binigyan ako ng gamot na iinumin ko 3x a day for 7days.. Uminom ako ng maraming buko juice kanina at gamot, Umokey naman na ang pakiramdam ko salamat sa Panginoon. Kahit pala gaano ka kaingat kung tataam tatamaan ๐Ÿ˜”๐Ÿ˜”๐Ÿ˜”

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

mommy try mo uminom ng cranberry juice. big help siya.