Manganganak na ba ako?

Kanina checkup ko sa center. 38w and 6days na ako. 2cm na ako open cervix na rin pero mataas pa daw ulo ni baby. Pinasukan ako ng 3 pcs primrose sa pwerta. Nung nakaraan (1week ago) sumakit din puson ko parang dysmenorrhea pero tinulog ko lang sa gabi pag gising ng umaga nawala na rin. Ngayon naman after ng checkup at pagpasok ng primrose sa pwerta ko sumasakit na naman puson at balakang ko tolerable naman yung sakit may times lang na masakit sya talaga pero nawawala rin tas babalik after 15mins pero madalas na syang masakit lalo na pag humihiga ako at kahit nakaside kaya tumatayo nalang ako naglalakad lakad at squat at nawawala yung sakit. Madalas na ring naninigas. Kayang kaya ko pa naman yung sakit pero di ko alam kung false labor palang ba to o true labor. Mga 6hrs na akong ganito

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ako naman pag sakit ng puson at balakang ko tuloy tuloy sa isang araw na yun sabay ng paninigas ng tyan ko, tapos mga bandang hapon nilabasan na ako ng dugo dun mas lalong sumakit yung balakang at puson ko na di ko na kinaya kaya dinala na ako sa hospital.

pa admit kana po malapit na yan, wag mo na po hintayin pumutok panubigan.