breastfeed
Kakapanganak ko lang kay lo nung july 23. Nag start ba ako magbBreastfeed. Until now silobrang sakit ng utong ko kada sip sip niya. Kala ko makaka helpyung manual na breast pump. Nagkasugat lang ako huhuhu.help naman po. Paano po ba itigil pag ano. Ng gatas sa utong ko. :( Sobrang di ko na kaya yung sakit. Gisto ko nalang siya mag gatas help po
Mommy. Kaya mo yan! Sa una lang talaga masakit. Pahiran mo nalang muna ng nipple cream or petroleum jelly pag mag sugat as per my OB. Pinagdaanan ko rin yan. Kala ko nga di ko din kakayanin. Anjan pa yung maninigas ang dede mo tapos may lumps kasi di nadede ni bb.. 5 mos na ako nag exclusive BF at kering keri na. Di na masakit tapos happy pa si baby. Bukod sa tipid ay mas healthy si baby. Kaya mo yan mommmy ❤❤❤
Magbasa paganyan din nangyari sakin mamsh. sa sobrang hapdi ng nipple ko nag cup feeding ako kay LO para mabawasan yung time nya maglatch sakin pero mas gusto nya pa rin sa dede ko kaya tiniis ko nlng yung sakit ng nipples ko basta ma-satisfy lng si LO. maghe-heal din yan mamsh. di nga lng yan ma-e-experience ng ibang EBF moms. magkaka-fever yung iba tulad ko. basta committed ka lng sa breastfeeding kakayanin lahat.
Magbasa paGanyan din po aqo nung una, umiiyak po aqo s sakit, dhil nadugo npo yung nipple q tas mahirap dhil lubog po yung nipple q, my time po n ayoko n ipadede at sobrang sakit pero inisip qpo n kawawa yung baby q, tas kawawa yung asawa q n kabibili ng formula milk, kaya tiniis qpo at nalagpasan npo nmen yung, 3 weeks n kme ngayon n baby, at yung dpt pambibili ng gatas naitatabi n lng nmen😊😊
Magbasa paGanyan din po ako noon nagsugat sugat dumugo na nga rin po. Gusto na ng katawan ko magformula si baby ko pero yung puso ko at isip ko talaga gusto ko talaga siya ibreastfeed kaya tinuloy ko lang. Tiniis ko po talaga. Hanggang di na siya masakit pag naglalatch si baby. Kaya niyo rin po yan. Continue lang po hihilom po yan ng kusa at ma eenjoy niyo na rin po ang pagpapabreastfeed.
Magbasa paPadede mo yan sis ganyan lang talaga yan sa una pero masasanay ka din.. pag di mo pinadede yan mas mahihirapan ka jan maka magkamastitis kpa.. ako nga nagpapadede nagkaroon parin ng mastitis eh.. iba para ang gatas ng ina kaysa sa formula milk sis.. ichecheer ka nmin sis para hindi ka mawalan ng gana na magpadede kay baby dahil lang sa sakit...
Magbasa paSalamat iyak ako ng iyak sobra salamat mamshie :(
Ganyan din po sakin nung first week ko sa pagpapa breastfeed kay baby yung nipple ko nagkakasugat sugat na pati dugo nasisipsip na ni baby sa awa naman nang dyos after mga one week mahigit na sirit na milk ko. Proper latch lang po talaga and unli latch si baby kasi si baby lang din naman po nakakapag pa heal nang mga sugat mommie
Magbasa paSame tayo momsh. Pero laking tulong ng electric pump po tlaga para gumaling ung sugat sa nipple kahit hndi nya madedean muna. Nkakadede pa din sya gatas mo. Sa online lang kami naghanap ng electric pump. Mura lang nbili namin. Ewan kung local ito pero laking tulong tlaga. Kasi prang si baby din sumisipsip pag nag papump.
Magbasa pa350 lang momsh.. Second hand na haha
Aww kawawa naman c baby.endure na lang the pain mommy i know its painful ang pagpapa breastfeed, pero lahat naman ng moms ay dumaan jan.cracked sore nipples, bleeding at nagsusugat.sa una lang naman yan mommy at pag nalaman mo na the proper latching hindi ka na masasaktan ulit.happy na c baby 😊
Hi mommy as of the moment masakit din utong ko kasi dirediretso pagdede ni baby sakin. Tiis tiis lang talaga, okay na yung masaktan tayo sa pagdede ni baby satin kesa naman mag formula milk si baby. Mag pump ka muna kung ayaw mo ipadede si baby sayo kesa mag formula ka.
Nagmanual pump po ako parang ganun din yung sakit. Sobra. Tinitiis ko ngayon mommy.
Try nya po orange and peach nipple balm, nakatulong po yun sakin. Unli latch at tyaga lang mommy kaya mo yan, iba pa rin ang gatas ng ina, sobrang daming benefits kay baby, sulit lahat ng pagod at sakit. Warm compress din po😊 go mommy kaya mo po yan.