Gusto na ni hubby magkababy
Kakakasal lang namen nong Oct 6. And ngayon si hubby gusto na daw magkababy. 26 na ko at 28 naman sya. 3 yrs kame magjowa bago nagdecide magpakasal. Ang problem ko ayaw ko pa kasing magkaanak parang di pa ko ready. 😥 Maooffend kaya sya pag sinabi ko yon?
yan din age namin nung kinasal kami 11 years bfgf.. after marriage wala pa sa isip namin pareho magka baby kahit gustong gusto na ng mga nakapaligid samin.. nag enjoy muna kami at nag ipon. now where 29 and 30 bigla nalang naopen ni hubby sakin na gusto na nya ng baby last april lang nag try kami.. agad kami biniyayaan now im 20 weeks pregnant. everything was going into plan.. Open ka sa hobby mo sabihin mo yung nasa loob mo and what is the reason at kung may goals pa kayo na gusto ma achieve.. for me just enjoy the honeymoon stage ♡
Magbasa paTalk to him po ng maayos and yung reasons mo sabihin mo sa knya, actually wala namang best time na maging ready ka sa baby... unless nasa mid to late 30s ka na at yung "naghahabol" na tinatawag na nila. Ganyan din kami ni hubby dati ako ayoko pa (28 nako nun ha) and si hubby ko 32 na nun kasi sabi ko parang di pa ko ready, nagusap lang kami nun basta. and yet may nangyari at may nakalusot pa rin at ayun nga nagkababy kami... need lang ng open communication po.
Magbasa paMag usap po kayo nang maayos 😊 It takes 2 po para bumuo ng family, hindi lang dapat iisa ang nagdedesisyon since kasal na po kayo :) Ganyan rin po kami ng hubby ko nung kakakasal lang namin, gusto na ni hubby magkababy while ayaw ko pa. Pinag usapan lang namin nang maayos. Nung time na gusto ko na rin ng baby sinabi ko rin po kay hubby. Now po preggy 5 months na ako 🥰
Magbasa paOpen communication po. Kasal na po kayo kaya dapat mas iimprove niyo po ang communication niyo. Come up with a solution po or compromise. Although dapat po sana before ikasal ay dapat dinidiscuss po yung mga ganyang bagay...
Lahat naman ng first time mom hindi pa ready sa pagiging mommy. Andyan naman husband and parents mo para gabayan ka. Pero kung ayaw mo pa talaga magka baby, paliwanag mo ng maayos kay hubby ang mga reason mo.
Kami din newly married lang ng June 2022 then july di na agad ako dinatnan ng mens, honeymoon baby. Next year pa sana plano namin pero super blessed kasi next year manganganak na ako. 🥰🥰🥰