Fetal Doppler-14 weeks-with UPDATE now
UPDATE as of 6:22 pm π OKAY na po nakita ko na sya 156-150 sya βΊοΈ panatag na ako,sinabayan ko ng kaen ng matamis plus nag left side po ako haha..next week na ulit salamat po sa mga payo nyo β₯οΈ -------------------- kakadating lang ng fetal doppler ko nanuod naman ako kung paano gamitin pero hindi ko malocate? may nrrng ako pero nag rarange lang sya ng 89 or 90 hb π paano ba gamitin to ng tama? don sa may right malapit sa singit ko naririnig si baby e (di ko sure kung sya un π) nakaka praning π gusto ko tuloy mag pa ultrasound π #pregnancy #firstbaby


Ganto doppler ko mi, and dinala ko to para ma check ni OB sabi niya mahina kumuha ng signal ng fetal HR yung nabili ko compare sa gamit na doppler ni OB na isang lagay palang rinig na agad ang heart beat at may heart rate na lumalabas na mas accurate. Sabi noya pag bandang 1st trim laging sa may ilalim ng puson ilalagay dun mo paiikutin tas onting tyaga lang may maririnig ka mabilis ng tibok pag naka volume up, tas pag wala heart rate na number bilangin mo yung heartbeat dapat 120-160 beats per minute medyo mahirap nga lang yun. Pag yung tibok na nararamdaman mo is parang parehas ng tibok sa pulso mo pag pinag sabay mo pakiramdaman sayo daw yun hindi kay baby.
Magbasa pa