Fetal Doppler-14 weeks-with UPDATE now

UPDATE as of 6:22 pm 😍 OKAY na po nakita ko na sya 156-150 sya ☺️ panatag na ako,sinabayan ko ng kaen ng matamis plus nag left side po ako haha..next week na ulit salamat po sa mga payo nyo ♥️ -------------------- kakadating lang ng fetal doppler ko nanuod naman ako kung paano gamitin pero hindi ko malocate? may nrrng ako pero nag rarange lang sya ng 89 or 90 hb 😭 paano ba gamitin to ng tama? don sa may right malapit sa singit ko naririnig si baby e (di ko sure kung sya un 😭) nakaka praning 😭 gusto ko tuloy mag pa ultrasound 😭 #pregnancy #firstbaby

Fetal Doppler-14 weeks-with UPDATE now
26 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi sorry for the picture. please enlightened me if normal lang po ba to or miscarriage?? or masyado lang akong nag overthink. first time ko magkaroon ng ganyang discharge medyo malaki sya na may red na parng ugat.. :( sorry di ko alam kanino magtatanong. 2 days before sobrang sakit ng balakang ko pati ng puson ko pati tagilaran nanghihina din yung isang tuhod ko tapos kahapon sobrang sakit feeling ko dinako makakatayo nagpapokpok ako sa balakang ko. then past 3 hrs dinugo ako nagka period naman ako last month 2-3 days ata yon. then di sya kalakasan. please ask ko lang if normal to.. hanggang ngayon nanghihina yung mga tuhod ko pati balakang ko masakit. thank you sorry sa picture

Magbasa pa
Post reply image
2y ago

Magpatingin na po kayo mii..ung nagpapokpok po kayo sa balakang hindi po nakakabuti un.kahit himas hindi pwede..magpatingin na po kayo..

Ganto doppler ko mi, and dinala ko to para ma check ni OB sabi niya mahina kumuha ng signal ng fetal HR yung nabili ko compare sa gamit na doppler ni OB na isang lagay palang rinig na agad ang heart beat at may heart rate na lumalabas na mas accurate. Sabi noya pag bandang 1st trim laging sa may ilalim ng puson ilalagay dun mo paiikutin tas onting tyaga lang may maririnig ka mabilis ng tibok pag naka volume up, tas pag wala heart rate na number bilangin mo yung heartbeat dapat 120-160 beats per minute medyo mahirap nga lang yun. Pag yung tibok na nararamdaman mo is parang parehas ng tibok sa pulso mo pag pinag sabay mo pakiramdaman sayo daw yun hindi kay baby.

Magbasa pa

naku mahirap pa ma detect pag ganyan stage po.ako mula 14weeks hangang 20weeks doppler din kaso dko cya mahanap.sabi.n ob ko napakaliit paraw kaya mahirap talaga ma hanap. nong 22weeks at ngayon 23weeks seconds lang nahahanap ko na cya.sa may baba ng puson ko cya nakikita s bandang kanan.na malapit sa gitna ng puson.mi for me kaya d.mo pa cya mahanap k super duper liit pa yan. ganyan din ako kalungkot nong dko cya nhahanap akala ko kung napano n.pero sbi n.ob wag muna kc liit pa c bb.🙂🥰

Magbasa pa

Mag left side position ka mii tapos relax ka lang.. Sana may kasama yan lubricant jelly kung wala bili ka sa Watsons kahit sachet lang para easily glide yung device sa tyan mo. Start ka sa lower left maghanap basta kung asan yung alam mo bigat ng tyan mo andon si baby dun mo itatapat yan doppler.. Btw hindi ako bumili niyan kahit alam ko gumamit niyan😅 Wag ka din mapraning mi relax lang medyo maliit pa din kasi ang 14weeks kaya talagang hahanapin mo yan. -mommynursehere

Magbasa pa

As of now mi, mahirap pa talaga hanapin yung hb ni baby sa Doppler. Ako kanina nagpa check up sa lying in na pinagpapa check upan ko, antagal nya hinahanap yung hb ni baby kinakabahan na nga ako. Sabi lang nya wag ako kabahan kasi sa ngayon hindi pa ganun kadaling hanapin yung hb ni baby sa Doppler dahil di pa naman daw ganun kalaki si baby. Tas yun, nahanap din. Last month check up ko, 14 weeks ako, 127 ang hb then kanina is 157💓

Magbasa pa

mi same tayo ng doppler n ginagamit ung sakin may defect nrrinig ko po yung heartbeat ni baby n prng kabayo sa bilis pero walang number n nalabas, pero ok n dn sakin as long as narrnig ko ung hb nya. yung 80-90 n hb usually sayo yan, gnyan kc ung sakin. try mo magheadset mas mabilis kc marinig kesa sa speaker. ganun ako dati hanggang sa lumakas na d ko n need ng headset. Mahina plng hb n baby gnyan dn kc aq dati. 😊💗

Magbasa pa
VIP Member

sa may tapat ng vagina mo itapat sis... ako nun 16weeks ako nung dumating yung doppler ko pero ilang araw ko rin hnd mahanap nun HB ni baby. dun lang pala sya sa may itaas ng pempem nagtatago... sa ganyang weeks kahit na mahanap mo pa ang HB nya ay hnd pa mailalagay sa screen kung ilang bpm ba ang HB nya, ako nun 19weeks ako nung mailagay sa screen yung HB ni baby...

Magbasa pa

ako din mii bumili ako nyan nung 14weeks palang nahanap ko agad hb ni baby , mag start ka sa puson mo mii at kapag may narinig ka mabilis na tibok na parang hndi normal ung takbo ng kabayo un po ung heartbeat ni baby 🥰 and mas maganda po is hndi kapo bloated at sa gabi mo gamitin at hndi maingay para rinig na rinig mopo 😇❤️

Magbasa pa

same ganyan doppler ko, 90 din nalabas na result pero nahahanap konaman heart beat ni baby ko nag range sya sa 120 which is normal minsan hindi talaga nalabas kung ano result pero maririnig mo yung pump na mabilis. pag narinig ko yung ok nako ☺️ paranoid mommy din ako kaya napabili ako doppler

TapFluencer

Heartbeat mo mi yung 89 or 90. Dapat 120 to 170 ang madetect mong hb. Tiyaga lang mi mas maganda sa bandang puson ka magstart. Since maliit pa si baby at 14 weeks, every move ng doppler must be slow. Maganda magdoppler ka mi around midnight and hindi maingay.

2y ago

mi bat sa akin mga 2-3seconds nawawala ?

Related Articles