Paano nyo po inalagaan tahi nyo sa bandang pwerta? Normal delivery po

Kakaanak ko lang kahapon. Grabe sobrang sakit pala ng tahi tapos puyat ka talaga dahil hindi mo alam paanong pwesto ka hihiga. Paano nyo po napabilis mapagaling tahi nyo? And paano po kayo nakakahiga mg ayos or tulog? 🥲 #firsttimemom #pleasehelp #FTM #firstbaby #firstmom

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

betadine feminine wash and tap water lang po. as per OB wag daw po maligamgam kasi possible na heal na sa labas pero sa loob hindi pa.

2y ago

+1 dito, plus nakakainom ka ng gamot para sa kirot, ako sa 2nd born kinabukasan okay na ko. sa 1st born ko tagal ng healing puro kasi pamahiin. 😊