Breastfeed

Kailan po ba tayo magkakaroon ng milk para mag breastfeed? Mga anong buwan po un nararamdaman? 30 weeks mommy here.

13 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sa first born ko, after 3 days of giving birth tsaka ako nagkamilk. Pero ngayong 30 weeks na ko, nagpapakita na ng signs yung boobs ko. Kaya siguro ngayon mapapaaga labas ng milk ko. Basta po keep on latching lang kung wala agad lumabas para mastimulate niya yung production ng milk sa boobs niyo po.

In my case nung pregnant pa lang ako, nung pinisil ko nipples ko, may lumabas na milk. Kaya when I gave birth, i was confident na may gatas na ako. However, yung pag leak at engorgement, i only felt it nung ika 5th day na of giving birth

VIP Member

Based sa experience ko,sis, nagkamilk ako 2 days after giving birth pa. Kawork ko kasi 8 months preggy siya may milk na po siya. Kaya naman paglabas ni baby niya di na siya nahirapan magpaBF kasi may gatas na siya agad.

Super Mum

Iba-iba po eh. May mga mommies buntis pa lang meron nang lumalabas. In my case 3 days pa after kong nanganak saka ako nagkamilk. Ipa latch agad si baby paglabas para ma boost agad ang milk.

Super Mum

Depende po mommy. Yung iba habang buntis pa lang po may breastmilk na, while yung iba is pagkapanganak nila doon pa lang po nagkakaroon.

As early as 4 months po pwede na. Pero iba iba daw po namn yun. Ako @4months may gatas na. Patak patak lang. Nainom kasi ako ng enfamama

2 days after ko manganak meron na po ako. Di ko sya naramdaman. Nagulat lang din ako ng pinisila ni doc at me gatas. 😊

VIP Member

It depends mommy. Pero in my case after ako nanganak nagkaroon. Dahil napalatch ko kay baby. Pero nung buntis ako wala.

ako po mula nung 5 or 6months nako may nakikita nkong puti lumalabas sa nipple ko sbi ng mama ko gatas daw yun 😊

Yung pagka panganak ko sa baby ko Tyaka pa Lang Lumabas Gatas ko