Nagseselos ka pa ba hanggang ngayonv

Kahit na may anak na kayo?

82 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

LONG POST AHEAD. Hindi nmn. Pero kung mkakakita ako ng kahina hinalang moves if ever may kasamang ibang tao o babae asawa ko baka mag selos ako.. Like touching o akbay khit sa group picture nlng. nagkasundo kmi na no physical contact maliban sa aming dalawa. Minsan,ang pagseselos ay tanda ng pagmamahal, pero may tamang paraan ihandle ang pagseselos. Aminado ako, may fear ako na baka makakita ng mashigit sa akin ang asawa ko. Pero ang pinang hahawakan ko, may mga anak na kami at dasal na rin na huwag maakit sa iba ang asawa ko. tsaka sabi nya, "di ako magpapakita ng bagay na ikakaselos mo. " mahinahon na sabi ko nmn, "Very good! But just in case pumasok sa isip mo na mambabae, Eh galingan mo. Siguraduhin mong school principal magiging babae mo o mashigit pa. Masmadaling matanggap.πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚Siguraduhin mo na di kita mahuhuli. Dahil pagnagkataon, khit ako, di ko alam kung ano ang kaya kong gawin. And another thing, bago ka mambabae, pakaisipin mo muna, hindi lang ako ang tatraydorin mo, tatraydurin mo pati ang mga anak natin at higit sa lahat ang Diyos. Isa pa, ang panganay natin babae, masisikmura mo ba, sakaling mambabae ka, eh sa anak mo bumalik ang karma at makatagpo rin siya ng mapapangasawang babaero?! Sige isipin mo yun My Dear." Naku, natatahimik nlng asawa koπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚, ang isipin ang bagay nayun daw ay nakakatakot, di raw kaya ng konsensya niya. effective!πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

Magbasa pa