NALAGLAG SA KAMA 7MOS OLD BBY GIRL.

Kahapon po kasi ng umaga nauna pong nagising yung bby ko usually po kasi pag nagigising siya ginigising na din niya ako like lalapitan oh kukurutin yung mukha ko, kaso kahapon tahimik lang siya nagising I think siguro dahil malapit sa dulo ng kama namen sa gilid non may pulang box nilapitan niya kaagad kaya nalaglag siya. sakto nasa kusina ang mami ko ang may narinig siya may lumagapak eh yung taas ng kama namen mga hanggang hita ko yes mataas siya kasi gawa lang ng hubby ko yung kama na yun, dali dali takbo ng mami ko nakita na niya bby ko sa lapag na eh semento yung baba namen, sinigawan agad ako para magising pagkagising ko nanginginig na buong kalamnan ko dahil sa takot kasi yung anak ko iyak na iyak ng malakas Pero tumahan agad. Agad ko siya inobserbahan mga sis hindi naman siya nahimatay nung nalaglag or nagsuka may bukol lang maliit malapit sa puyo wala din bleeding, hindi din nilagnat, hindi naman matamlay, para wala nangyari. Hindi ko siya pinatulog agad ng mga 3 hours. Ang point ko ngayon hindi parin mawala sa isip ko maya maya na ako nagulat kahit mahimbing tulog ko natatakot pa din talaga ako.. feeling ko wala akong kwentang ina.. mga momies ano pa dapat mga obserbahan ko sa bby ko? Sa tingin niyo okay lang ba siya? NATATAKOT TALAGA AKO KAPAG NAALALA KO.. LALO NA KAPAG TINITITIGAN KO ANAK KO HINDI MAWALA MAWALA SA ISIP KO . ?

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

okay naman siya base sa mga naexplain at naobserve mo sis, mas okay na maglagay nalang kayo ng bracket sa kama niyo sis para iwas na mangyari ulit. Di ka masamang ina. Wag mo idown sarili mo dahil sa accident na ngayon lang nangyari :) Pacheck mo nalang din sa pedia niyo sis kung di ka talaga mapakali 😊

Magbasa pa
5y ago

Maraming salamat sis! Balak na namen siya bilhan ng crib nalang. Na paranoid lang talaga ako sa nangyari kasi ngayon pati Pag ihi ko sinsama ko na siya usually kasi kami dalawa lang dito sa bahay lagi naiiwan. Wala kasama mag alaga, oh mag bantay. Btw maraming salamat..