Open cervix

Kagagaling ko lang lying in 1cm daw nako. Sino dito yung nag 1cm pero mabilis tumaas ung cm nila? At sino dito mga momsh nag open cervix ng walang lumabas na dugo o panubigan? Salamat sa makakapansin. 39 weeks and 1 day 🙁

7 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ako last time check ng ob 1cm, tapos after a week close daw sabi ng midwife. After a week ulit, nitong friday lang panay sakit na, 3cm na pala ako by 3 am. Inadmit na ako tapos bandang 10 am biglang 7cm. Pinag start na akong umiri habang humihilab kaya ginawa ko. Pero actually umiiri iri na talaga ako nasa 3cm pa lang ako. Tapos sunod na IE by 11:30 am 9cm na ako, more iri kahit sobrang sakit na ng hilab sa kaka iri ko biglang nag 10cm kaya diretso na ako sa delivery room. Apat na push lang lumabas na si baby 😊 Tip ko mommy, umiri ng umiri habang humihilab ang tyan. Kahit masakit at hindi na makatayo ng maayos mag squat kasabay ng iri. Worth it po promise! 😊💕

Magbasa pa
1y ago

ganto din senaryo sakin sabi skain sa lying in 1cm pero nung nagpaIE ako sa ospital di pa daw pero may construction nakong nararamdaman buong week balik ko pa next week sana open na talaga sya 🥺 pag 1cm kana ba open cervix naba yun?

VIP Member

last week po na pa check up ko sabi ng ob ko, 1-2cm na ako. Nagpre term labour na din ako. Pero nung na i. e ako meron ng kasamang dugo so sabi ni ob baka daw 2 weeks na lang lumabas na si baby, pero aside from masakit balakang, pwet, paninigas ng tiyan, pananakit likod at binti wala na naman dumadag dag na maskit. So feeling ko tuloy baka abutin pa ni baby ang due date niya.

Magbasa pa

hala! mommy same tayo 1cm na ko and 39 weeks and 1day na. pero right now wala pa ko napapansin na masakit sa akin maliban dun sa panty ko parang my brownish na lumalabas di ko alam kung ano yun tapos kahapon iba naman white cells sobrang dami. sa ngayon waiting lang ako sa contraction.

4y ago

Wala po akong discharge na nilabas momsh bgla nalang humilab tyan ko hanggang 3 hours tas ayunnpumutok na panubigan ko hehe 😁

Me po last june, 3 cm na ako paninigas lang ng tyan, tapos dq pa alm nun na sign na pla un hehe Ftm din ako

sa second baby ko open cervix pero dipa pumutok panubigan ko kaya ung doctor nalang nagpaputok .

4y ago

Ah ganon ba kahit mucus sis d ka nilabasan?

ako sis ..2cm after 1hr tumaas naging 4cm tapos tuloy2 na sya ..

4y ago

Unuwi kapa non nung 1cm ka palang? Or nag stay kana sis?

VIP Member

up