Sudden Infant Death Syndrome: Paano maliligtas si baby sa silent killer na ito?

Kada taon, libu-libong healthy infants mula sa buong mundo ang namamatay dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan. Isang gabi ay gigising na lang ang nanay upang malaman na hindi na pala humihinga ang anak niya. Isa itong bangungot sa kahit na sinong magulang, kaya naman habang maaga pa ay dapat maging alerto na tayo. Ano nga ba ang SIDS? Ang Sudden Infant Death Syndrome ay mas kilala sa tawag na 'crib death,' dahil kadalasan ay nangyayari ito sa mga natutulog na sanggol. Ito ang third-leading cause ng mortality sa mga sanggol. Ayon sa research, ang mga sanggol na anim na buwan pababa ay mas at risk sa SIDS kaysa sa mga toddler. Bukod pa dito, ang mga sanggol na may low birth weight, respiratory infection, o inborn brain defects ay mas mataas ang risk sa SIDS. Pwede bang iwasan ang SIDS? Bilang magulang, ano ang maaari nating gawin upang maprotektahan si baby mula dito? Narito ang ilang tips na makakatulong upang mabawasan ang risk ng SIDS sa inyong baby: 1. Iwasan ang padapang pagtulog Hangga't maaari, iwasang sanayin si baby na matulog nang nakadapa. Ayon sa mga pag-aaral, mas prone na makaranas ng SIDS ang mga sanggol na natutulog ng nakadapa dahil maaaring hindi sila makahinga. 2. Wag gumamit ng malambot na kutson o unan Ang paggamit ng malambot na kutson o unan sa kuna ni baby ay maaari ring makasama. Ayon sa mga eksperto, mas mabuting patulugin si baby sa isang flat and firm surface upang masigurado na hindi siya masu-suffocate. Wag na ring maglagay ng malalaki o mabibigat na kumot na maaaring makatakip sa mukha ni baby. 3. Breastfeeding is key! Ayon sa mga eksperto, ang mga sanggol na nag-breastfeed kahit na hanggang anim na buwan lang ay may lesser risk sa SIDS. Kapag mas matagal ang pagbe-breastfeed kay baby, mas bumababa rin ang chance ng SIDS. Bukod dito, maiiwasan rin na dapuan siya ng iba't-ibang sakit. 4. Wag ipagpaliban ang mga pre-natal check up Habang nagbubuntis, laging kumonsulta sa iyong OB o doktor. Ayon sa mga pag-aaral, ang mga buntis na kumpleto sa pre-natal check-up ay mas mababa ang tsansang magkaranas ng SIDS ang pinagbubuntis nila. 5. Umiwas sa YOSI at SECONDHAND SMOKING Sa mga naitalang kaso ng SIDS, karamihan sa mga sanggol ay na-expose sa secondhand smoking sa kanilang bahay. Napatunayan rin na ang mga nanay na naninigarilyo habang buntis ay may mas malaking risk para sa SIDS. Tandaan, laging maging alerto pagdating sa kalusugan at kaligtasan ni baby! Iba na po ang panahon ngayon, at dapat mas dobleng ingat rin tayo sa pag-aalaga sa ating mga anak. sources: https://bit.ly/2PIznkQ https://mayocl.in/2NwAKQM https://wb.md/2C5EVxt

Sudden Infant Death Syndrome: Paano maliligtas si baby sa silent killer na ito?
1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Thanks for Sharing💕