Kabuwanan ko na sa October. Hanggang ngayon kulang na kulang pa din ang gamit ng anak ko, wala na din akong pambili ng mga gamot ko. Ang sama sama ng loob ko sa partner ko, kulang na kulang sa suporta.
Hindi nya naisip magsideline nung kailangan na kailangan namin ng pera pampacheck up, ako pa nanghingi sa magulang ko para may mapangtustos samin ng anak ko. Kahit ayaw ko magtinda, nagtinda ako para may mapambili ako ng gamit at gamot namin mag ina na kailangan sa ospital kahit paunti unti.
Maselan ako magbuntis kaya mahal ang nagagastos tuwing check up. 3 ang doctor na dapat kong kitain. Wala syang narinig sa magulang ko na daing kasi katwiran ng mama ko kailangan ako tulungan at buntis ako. Nahihiya na ako sa magulang ko pero ang sabi sakin ng partner ko nung nanghingi ako sa kanya ng pambili ng gamot, nakakababa daw ng pagkalalaki nya yung nasabi ko na hindi ko na alam kung san ako kukuha ng pambili ko ng gamot ko.
Ngayon lang ako nanghingi sa kanya kasi kahit anong hingi ko wala talaga syang binibigay. Kahit anong sabi ko na wala na akong pambili ng gamot wala syang inabot sakin kahit piso. Isang beses lang ako nabigyan, di na naulit.
Nanlulumo na ako sobra. Naaawa na ako sa sarili ko pati sa baby ko. Hindi ko na alam gagawin ko.
Napanghihinaan na ako ng loob na manganak. Parang di ko na kakayanin.