Birth Story
June 26, 2020 ng umaga naglabor nako. Nakaramdam nako ng pananakit ng katawan at puson. Di na ko mapakali kaya tumawag na kami sa clinic. Pagdating namin don 7am, ininduce ako. 3cm nako non sobrang sakit na kasi tlga. Tapos ayaw mag open ng cervix ko, tapos overdue pako. Kaya nagpainduce nako. Kaso dumaan na ang ilang oras 3cm padin walang pagbabago sa cervix ko pero grabe na nararamdaman kong sakit. Kinagabihan nag 3-4cm, so akala namin nagwowork na. Hanggang sa inabot ng umaga paglalabor ko pag IE ulit sakin 4cm. Mababa padin pero si baby gusto na lumabas ramdam na ramdam ko na pagtulak niya sa cervix ko. Second cycle ulit ng induce. Mga bandang hapon, 3pm pag IE sakin nag5cm. Gumaan na pakiramdam namin akala namin okay na. Tapos biglang pumutok panubigan ko. Pag IE sakin ulit 5cm padin hindi tumaas hindi din makalabas si baby. Pero ramdam ko na pinipilit niya na sarili nya na lumabas. Hanggang sa dinugo na nga ako. Edi hintay padin try padin, kasi naglalabor pako eh. Kaya pa. Pag IE ulit sakin, namamaga na cervix ko tapos stock na sa 5cm. Need na magdesisyon, kasi paubos na panubigan ko at sobrang dami ng dugong lumalabas sakin. Emergency CS na sinugod na agad ako sa hospital 5pm na non, inasikaso agad ako kasi sa private nako dinala para mas mabilis process kasi yung sa clinic din bukod sa midwife, OB magpapaanak tlga sakin. Doctor talaga, kung san hospital siya dun nako dinala para siya na mag opera sakin. Pagcheck sa temperature ko, 38.7 sobrang taas ng lagnat ko. Nanghina na din kasi ako, siguro dahil sobrang sakit na talaga at madami ng dugo lumalabas sakin. Binilisan process. Dinala agad ako OR. Nireready na nila lahat ng gamit. Tapos ako iniinda ko yung sakit. Sabi nila wag ko daw iire kasi lalong masakit. So ayun umiiyak nako sa sakit after 5mins siguro nagpasukan na lahat ng doctor isa na yung OB ko na magpeperform sakin ng CS. Inenjectionan nako ng pangpamanhid, unang hiwa naramdaman ko, napaaray ako sabi ko p nga "Ano po yun masakit?" tapos biglang sabi ng OB "nararamdaman mo ba?" sabi ko "opo" tapos may tinurok sakin ulit yung isa pang doctor tinanong ulit ako ng OB "Nararamdaman mo pa ba?" sabi ko "hindi na po" tapos dun nako hinimatay. Sa sobrang hinang hina na katawan ko at mataas na lagnat. Nakaraos naman. Walang problema, super healthy si baby. 😇 3.6kls siya. tapos 52cm haba niya. At ako ngayon medyo hirap kumilos. Pang 3 days ko na sa hospital ngayon, ididischarge nako mamaya. Any tips and advice po sa mga CS momshie natin dyan? First baby ko po ito. At first time lang po talaga lahat. Due date: June 20, 2020 LMP: June 25, 2020 Birthdate: June 27, 2020 Gender: Baby boy Name: Lucas Clyde O. Hidalgo
Mummy of 3 kikays ?