I nearly lost my son..

Emergency CS | 2 tight cord coil on the neck 2.5kg Cephalic Exact 37 weeks My miracle baby.. While I was lying on the hospital bed with my baby beside me, his pedia came and said: Pedia: "Itong baby na to, tinakot kami nito eh" Parang tumigil yung paligid ko nung marinig ko to sa pedia ni baby.. While on labor, nagdrodrop na ang heartrate ni baby below normal rate which is 120bpm. I was already 5 hours in labor when my OB noticed this unusual heartrate. I was about 3cm that time. Kaya pala hindi masyado bumababa si baby kasi cord coiled sya. I was induced and was injected three times but still ang bagal ng pagopen ng cervix ko. Immediately, we opted for CS. I saw the rush in my OBs movements. They immediately prepared the operating room and I too was immediately delivered there. When I entered the room I tried to remain very calm.. At kung kailan nakahiga na ko sa operating bed naging intense ang contractions ko. Less than one minute apart from another strong contraction. Ang hirap pala maglabor ng nakatihaya ka lang sa matigas na bed, lying flat on your back with no pillow. Nalate pa yung pedia na assigned for my baby. Nanghihina na ko sa lakas ng contractions and I labored for an additional of 20 minutes which is very risky for the situation of my baby. Nung nagstart na yung surgery, naginject na sakin ng onting pampatulog. So ang tendency medyo pagising gising ako. And everytime I wake up, I experience this very severe chill on the half top of my body, and the urge to keep on vomiting without anything to vomit. Just then napansin ko na nakatali pala yung dalawang braso ko sa bed. I think to keep me stable in case I feel a severe pain.. Futher on the operation, nagising na lang ako na tinutulak na ng anethesologist na lalaki yung tiyan ko paibaba. Sa sikmura ko sya tumutulak. Ramdam ko na meron din tumutulak sa dalawang side ng tiyan ko. Sa sobrang lakas ng tulak nagising ako dahil ramdam ko yung sakit sa sikmura. Para akong sinusuntok ng ilang ulit sa sikmura dahil sa lakas ng pagtulak.. I felt the pain even if I was numb. The pain was so severe that it went up to my shoulders. That time pinipilit nila ilabas si baby head first sa hiwa ng tiyan ko but no luck. Binaliktad pa sya ni OB, paa muna yung unang lumabas kasi di talaga mailabas si baby dahil sa cord. The anesthesologist promised to wake me up when my baby is out which he did. But when he did, I heard nothing. No noise, no cry.. Then for about 3 minutes of waiting, I heard my baby cry.. But just then, they immediately gave me a shot which made me sleep instantly without seeing my baby.. I knew something was wrong.. Then nung malapit na matapos yung operation, nagising ako. Sabi ko sa OB ko na ramdam ko na yung pagtatahi nya sa tiyan ko. Then sabi nya last 3 stitches na lang daw at tapos na. Nahirapan sila ilabas si baby kaya nagtagal kami sa operating room to the point na nagwe-wear off na yung anesthesia. Then I woke up in the recovery room alone. Half of my body numb, a very heavy and dizzy head and kept on vomiting still without anything to vomit. That was at 1am. May mga nurses na nagiinject pa rin sakin ng painkillers at everytime na lalapit sila sakin, hinahanap ko baby ko. One nurse told me na under observation si baby. I asked why, sabi lang nya nanghihina pa daw kasi si baby. By 5am dinala na ko sa room ko. I kept on asking kung nasaan na yung baby ko kasi di pinatabi or pinakita sakin right after ko sya mailabas. Then nandun mama ko room. Sinabi ko sa kanya na si baby di pinakita sa akin at nagtatanong ako asan si baby kaso puro under observation ang sagot nila. Just then I noticed that she look so down.. Sabi nya sakin, wag daw ako magpanic at kumalma lang ako dahil magiging ok ang lahat. Then sinabi nya na sakin na lupaypay ang baby ko nung lumabas.. Halos di na humihinga.. Kaya natatagalan sya sa nursery dahil yung under observation na yun pala is observation kung continous bang hihinga ang anak ko. Napakasakit marinig nito.. Yung di mo na nga sya nakita pagkatapos mo ilabas tapos yung susunod na pagkikita nyo di mo alam kung buhay ba sya or wla na.. Ang hirap.. Nung mga oras na to para akong nawala sa sarili ko at nabingi.. Then at 8am, dinala na si baby sa room ko.. I was very happy! He's awake and slowly moving his tiny hands and trying to open his eyes.. I was very happy but at the same time confused kung ano na ba talaga nangyari kay baby and most of all still scared.. Then dumating yung pedia. She explained what happened. Pagkalabas ni baby halos di na sya humihinga.. Di na sinabi sakin ng pedia yung details ng ginawa nila kay baby sa loob ng operating room pero sa nursery, doon nila nilagyan ng dextrose si baby, tinutukan ng 2 heat lamps at pangmonitor ng temp ni baby at oxygen. At lastly before sya umalis, we should keep an eye on my baby's breathing pa rin daw.. Nung sinabi nya yan sakin di ako nakapagsalita.. Tinignan ko maigi ang baby ko at di ako makapaniwala na hanggang sa pagkakataon na yun di pa rin pala sigurado kung maiuuwi ko ang anak ko.. May black eye si baby at may namuong dugo sa both eyes nya dahil sa force ng pagpapalabas sa kanya at dahil sa cord.. Yung skin nya din nagdark. Parang nagkaron sya ng sunburn kasi yung part ng legs nya na nakacover ng band aid, mas lighter kesa sa naexpose sa heat lamp na skin nya. 3 times a day nagiinject din sa kanya ng antibiotics. Ang sakit makita na ang liit liit pa ni baby tapos kung ano ano na yung mga gamot na pinapasok sa kanya.. Tinanong ko yung nurse kung masakit ba yung pagpasok ng gamot kay baby, sabi nya may kirot daw na mararamdaman si baby doon.. Umiiyak ako everytime nagiinject ng gamot kay baby.. Yung nanghihina ka pa at di makatayo dahil sa sobrang kumikirot pa yung sugat mo tapos bawal ka pa kumain at nanakit pati sikmura dahil sa pagtulak pero di ka makatulog or makapagpahinga knowing that your baby is about to be in pain.. Everytime may nurse na dadating para kay baby, either to check his temperature or inject medicine to him, nagigising ako.. Nagigising ako kahit na wla pa akong masyadong tulog at bawi sa pain na nararamdaman ko.. During these time wla na ko pake sa sarili ko.. Kung di pa ipaalala ng mama ko na kumain ako o uminom ng tubig o magcr di ko maaalala gawin.. I'm very focused and worried sa baby ko.. One month after pa ska lang nagcomplete heal yung mga mata ng baby ko. How I wish sakin na lang lahat ng pain.. Sana ko na lang yung nahirapan.. Una akong nadischargw kay baby. Then the next day nadiacharge na din sya. Ang sarap marinig nung sinabi ng pedia na pwede ko na daw iuwi ang baby ko. That time gumaan yung pakiramdam ko ng sobra pero may worry pa rin ako kasi napaka sensitive ng babies at baka may mangyari pa sa kanyang masama.. Nung iuwi ko si baby at ihiga sa bed nya na hinanda na namin before pa sya dumating, bumuhos na yung luha ko.. I said to my son, "akala ko di na kita maiuuwi anak.." Now ok na si baby. Within 2 months nagdouble yung weight nya. Ngayon lang ako nagpost kasi focused ako sa pagrecover ng baby ko.. Last picture is my baby today 😊 Thanks to breastfeeding ang taba taba na nya ngayon at madaldal 😊 All thanks and glory to God! I do believe that God worked His miracle in the life of my son. And this baby is my miracle baby boy.. ❤️

I nearly lost my son..
368 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

2days labor at the hospital here.... Via emergency cs. Nag eexpect ako na inormal... Kaso almost 2 hours overdue na ako.... Cause: *Pumutok na panubigan ko *4cm dilated pa lang *mababa na heart rate ni baby *cord coil din siya Ang ending emergency cs😅 Everything are all worth it. My labor, the pain, at higit sa lahat ung napakamahal na nabayaran ko sa ospital ubos ipon namin ni hubby.. But here she is.... My soon to be 4 month old baby girl BLU😊

Magbasa pa
Post reply image

Been there momsh 4years ago .. same situation din sa iyo .. naiiyak din ako pag naalala ko lahat .. yung sakin lng di ko na naramdaman kasi wla nkung malay .. nagising naku ng trinansfer naku from recovery room to private room .. but then god is good kasi nakasurvived kami.. pag di na ako inemergency cs cguro both samin wlang nkasurvive nadidistress na kasi c baby at nanghihina na din ako ..

Magbasa pa

Congrats momshie... same case tayo mommy... double cord coil (1 sa leeg ung 1 sa noo)sa last minute umabot pako 8cm hihiwain nalang sana kaso nung pumutok panubigan biglang drop ng heartbeat from 150 down to 70 kaya bglang ecs din buti nalang maagap mga ob natin by the way nagstart aq ng labor 1:30 am nakalabas si lo ng 8:37pm ...worth it talaga momshie....congratulations momshie ..

Magbasa pa

Same with me mommy emergency cs din ako last January 13 2020 due to cord coil 38week. Bumababa na rin heartrate ni baby kaya kailangan na ma CS CS 28hours try ko mag labor ng normal pero wala talaga hindi sya bumababa. Pero worth it ang sakin pagnakita at nakatabi na natin si baby. Hanggang ngayon hirap parin ako tumayo dahil sa laki ng hiwa sakin.

Magbasa pa

Habang binabasa ko 2 diko namamalayan umiiyak n pla ako..ganun pla talaga pag nanay ka at buntis k pa kahit dimo anak iiyakan mo..then nung nakita ko ung pang 3rd pic diko napigilan e kiss ung pic nya thanks God ok n sya at Ang lusog lusog n nya..anyway soon to be C.S mom din po ako.. congrats momshie..

Magbasa pa

Grabe! Naiyak naman ako doon mommy😭 Naiyak ako doon sa sinabi mu na sana ikaw nalang nakakaranas nung pain ni baby. Tama po kayu pag nakikita natin mga anak natin na nasasaktan dobleng sakit sa nanay talaga.. salamat sa diyos at okay na siya ngayon. God bless you baby pati kay mommy😇

Naiyak ako sa post mo mommy then tears of joy na dahil ok naman na kau ni baby now.. Galing ni baby mo po fighter dn sya.. Iba tlaga pakiramdam pag anak mo na yung mag ririsk ng kung anuman sobrang sakit na sana ikaw nlng makakaramdam.. God is so Good po tlaga' God bless po

Same here momsh. Cord coil si baby nag ddrop na to 104 heartbeat niya which is so alarming na. Gusto tlga sana ipush nidoc na normal delivery ako kasi sayang daw. Pero d talaga kaya so push sa CS asap. Buti na lang ok lang si baby. Epal talaga tong cord coil na to eh

Im sorry for what your baby went through Nuchal cord is a serious thing..But Thank's to our Mighty God your baby's doing fine now... ang hirap talaga ng labor and delivery ang daming possible scenarios na hindi mo expected.. :(

VIP Member

Nakakaiyak naman buti safe na c baby kaya minsan ang hirap din sa ospital pero syempre mas alm nila ung gagawin pero sbrang blessed kaya ingatan c baby be always thankfull and pray for it🙏🏻😊👍🏻