Finally? ☺️
July 13, 2016 na-diagnosed akong may PCOS. ? Sabi ng OB ko mahihirapan daw akong magbuntis. Need magdiet para umokay ang timbang ko. Sinunod ko naman pati gamutan. Hahaha kaso makulit talaga ako at masarap kumain. ? Ayun patuloy sa pagtaba. Minsan magkakamens , minsan wala. Nasanay na. Year 2019 monyh of August sumali ako sa isang challenge sa comonay namin mismo biggest loser challenge. Hahaha and ako ang nanalo. Nagregular ang menstraution ko ng 3 mos. Tanda ko yung huling buwan nagspotting na lang ako. Dumaan ang November, December, January , February wala akong menstraution. ? Akala ko bumalik ang PCOS ko dahil napapansin ko laki na naman ng tinaba ko. February 23 nagpabili ako ng PT gagamitin ko kako ng February 24 first urine ko if ever na positive o negative magpapacheck up na ulit ako sa OB. Nagulat ako at nagpositive. Sobrang linaw. ? Di ko alam kung ano irereact ko. Naiiyak na ewan. February 26 nagdecide ako na magpunta sa OB para ipacheck kung meron nga. At yun, "BOOM! Hello! baby boy , 5 mos na ang baby sa tyan ko" As in gulat na gulat ako mga momsh. Ibinigay na sa akin yung matagal kong pinapanalangin. Salamat sa Ama! ☺️ Tanging nasabi ko na lang sa OB ko nun "Talaga po, totoo po ba talaga?" SOBRANG SAYA!
Waiting to my greatest blessing to come out. ?