Jia Claire
LMP: Dec 21
DOB: Nov 25
3.7 kgs
via CS
with GDM, Pre Eclampsia at UTI at the time of delivery
Nov 23: Madalas ako magCR nakakaramdam ako ng parang nadudumi na akala ko dahil.lang sa tumalab yung ininom ko na senokot na para sa constipation ko.. napapairi ako sa c.r na halos mapahawak na ko sa pader para lang mailabas yung poops ko pero waley parin.. dumalas yung hilab nya na akala ko rin dahil lang sa poops pero iba na pla..
Nov 24: Sakto Check up ko din yun sa OB dat time, In I.E ako ni Dra tas biglang sabi nya na di nya raw gusto yung nkakapa nya , yun pla open na yung cervix ko at 6 to 7 cm na pla ko d ko alam.. Kaya binigyan na nya ko ng admitting slip para derecho na ko ospital at dun na ko maglabor. Pinagtry nya ko mag normal delivery mula 6:30 gang 11:30 pm sinaksakan nila ko pampahilab pero parang walang effect sakin. nastock ako sa 8cm at ayaw bumaba ni baby.. tumataas na rin bp ko gang 170 kaya kinausap na nila ko at family ko na ic.s nlang ako..
Nov 25:12:05 am Baby's Out with a Healthy Baby Girl.. Pinagppray ko talaga sa Lord araw araw na sana maging maayos ang paglabas nya without complications defect and sakit. Talagang napakabuti ni Lord dahil tinupad nya yung hiling ko sa knya. even yung fund na kailangan namin naiprovide nya. 70k yung bill namin sa ospital at nabayaran naman.. sabay kmeng umuwi mag ina..
Wala talagang imposible sa Lord basta maging specific at consistent sa pagtawag sa knya hndi ka Nya bibiguin..