Worth the pain ❣😍🤱

JAN ELISE DE OCAMPO ATIENZA September 30, 2020 @ 12:58 am 3.4kilo Via NSD Duedate via LMP: Sept. 30, 2020 Via UTZ: October 2-3, 2020 Medyo mahaba yung salaysay ko pero sana pakibasa lalo sa mga soon to be nanay dyan. 😍 Sept. 29, 2020 @ 2am - nagising ako dahil sa saket ng balakang ko hanggang puson pero tolerable naman nkapag handa pa ako ng almusal at baon ng asawa ko non. @ 6am - dito na nagsimula yung sobrang sakit napapasquat ako pag naglalakad ako, di pa ako nagpa dala sa Lying in non kase takot nga ako ma.IE @ 8am - waiting ako sa discharge kaso wala lumalabas. Naligo na ako non baka kako bigla ako manganak, ilang minuto pagtapos ko maligo naiihi na ako, then tadaaa sobrang dami ng dugo na nailabas ko, pero inaantay pa namen na pumutok panubigan ko bago pumunta ng Lying in. (Fastforward) @ 5pm - seconds nalang ang binibiling kada sasaket puson ant balakang ko sobrang hilab na pero keri pa. Nakakakaen pa ako tas lakad pa ako ng lakad. @ 7:30pm - pagtapos maghapunan nagdecide na kame pumunta ng Lying in kahit trauma ako magpa ie kelangan na kase di na nawawala yung saket. @ 8pm - nasa Lying in na kame, ie na ako at ayun na nga 7-8cm na pala ako that time then sya na nagpaputok ng panubigan ko, sabi pa ng midwife hanga daw sya kase sa sobrang takot ko magpa IE natiis ko yung pain ng napakadaming oras at ayun nga malapit na ako manganak. @ 9:30pm - sinaksakan na ako ng dextrose at buscopan para humilab na ng sobra, sobrang saket panay squat ako para lang ma lessen yung pain at syempre buti andon ang mama ko tagahilot sa balakang ko 😅 @ 10-11pm - ie ulit at ayun nga fully dilated na ako nag aaral na ako umire pag humihilab syempre first time di ko pa nahahabaan pag ire ko kaya di pa makalabas si baby. @ 12am - di ko na kinakaya yung hilab lakad lakad pa ako tas pag humihilab squat na ginagawa ko para lumabas na sya naaawa na ako ke mama kase sakanya ako nakakapit at kumukuha ng pwersa. @12:40am - nagpadala na ako sa Delivery room di ko na talaga kaya napapagod at inaantok na ako kelangan ko na sya ilabas dahil medyo green na panubigan ko delikado na kay baby. @ 12:50am - Naka apat na mahabang sunod sunod na ire ako plus nag pufundamental push na yung assisstant ng Lying in saken. Ginupit pwerta ko hanggang sa pwetan, pasalamat andon si mama na nakasuporta saken. @12:58am - BABY IS OUT!! but nag 50-50 pa ako dahil inaagasan ako ng dugo ng walang humpay, andon na yung nilagyan na ako ng oxygen dahil hirap na ako makahinga, kabado sila at pilit daw ako ginigising dahil nga delikado ako, tinurukan ng gamot yung dextrose ko para lang mawala yung pagdudugo. Sobrang dami ng nangyare pero ang nasabe ko na lang "THANKS GOD" at "THANKYOU MAMA" Napaka sarap sa feeling na marinig ko yung unang iyak nya at unang halik ko sakanya 🤱😊👼 Maraming salamat sa mga tao dito sa app na nakakadamay ko nung natatakot na ako dahil malapit na duedate ko. Sa mga soon to be nanay dyan yaka nyo yan!! Mapapasabe nalang den kayo ng ayoko na umulit paglabas ni baby ahahaha! Salamat sa pagbabasa 😍😊 godbless!! #firstbaby #pregnancy #1stimemom #theasianparentph

Worth the pain ❣😍🤱
36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

congrats po😊🤗😘 first time ko din palapit n NG palapit duedate ko Sana nga din Hindi ako magaya sa iba na ikinamamatay pa ung panga2nak Kasi gusto ko din mabuhay pa at makasama NG matagal baby girl ko 8 Months na po sya sa October 29 hehe 😅 congrats po ulit ang cute nya

4y ago

Kaya nga ee SALAMAT 😊😘🤗

ako naman LMP ko oct 2 sa hospital sa laying in lmp ko.oct 4 pero due date ko sa laying in oct 25 hindi ko alam kung kailan due date ko.sa hospital kasi isang beses lang ako nag pa.check up.nung nag pa.altrasound ako ng 5 months

congrats po. ! soon to be 1st time mommy here dn po 1st week of Nov due date ko excited ako na kinakabahan Kong Kay'a ko ba Ang sakit

4y ago

sa labor aayaw kna momsh pero pag malapit na talaga lumabas si baby nasa isip mo nalang umire para mawala na yung sakit at makita mo na si baby 😊🙏

Wow. Congrats mamshie.😍 First time mom here too. November pa ako pero kinakabahan na ako. Paano po ba yung i.e?

Magbasa pa
4y ago

ipapasok po ng ob or midwife yung index and middle finger nya sa vagina mo para macheck kung open cervix ka na ba o may cm na.

congrats mommy. kinakabahan na din ako kasi ilang araw nlng due date ko na. oct 4. sana makaraos na din.

Congratulations mommy! Thank you sa pagshare ng experience. Sa Dec pa ako pero kinakabahan na ako. Hehe

4y ago

natural yan kabahan sa una pero pag andyan na momsh mawawala lahat ng kaba mo. 😊🙏

VIP Member

momsh bat ganun karamihan sa nababasa ko habang nanganganak sila inaantok?bakit dahil ba sa gamot?

4y ago

sa haba ng oras ng labor den siguro momsh. kase sept.29 ng 2am nag start na ako maglabor hanggang 8pm eh, lumabas si baby sept.30 ng 12:58am. dala na den ata sa mabigat na gamot na naisaksak saken para tumigil lang bleeding ko may side effect kase yun. saka nakakapagod umire

Congrats, cute ni baby ❤️ exzoited nko mkita ung amen, sana mkaraos na din.

cute congrats sana mkraos na din ako lapit na due ko oct 13

4y ago

yaka yan momsh patagtag kpa maigi saka pray para di kayo mahirapan ni baby 😊🙏

Congratulations ❤️