Nabuntis while on depo shot
may itatanong po sana ako, about po sa case ko. nag iinjectable po kasi ako (depo) at nung october 9 schedule ko po dapat ng inject. maaga naman po akong nagpupunta ng center dito sa baranggay namin pero hindi ko po naaabutan na bukas or minsan sinasabi nag ikot ikot pa daw po yung mga nurse. hanggang mag 1 week na po hindi parin ako nagtuturukan. sa 1 week po na yun may nangyari samin ng partner ko ng isang beses lang. then nung october 16 nakapag paturok na po ako. october 27 expected period ko po yun since regular na po ulit ako pero hindi po dumating. hanggang nadelay po ako ng 1 week at nagdecide na mag pt na. dalawang pt po yun at parehas nag positive. possible po ba yun nagtuloy yung pregnancy ko kahit naturukan ako ng depo?
mother of boy & girl