Isang mahigpit na yakap

Isang mahigpit na yakap para sa mga kagaya kong first time mom na nakakaranas ng emotional distress. Isang mahigpit na yakap para sa mga ina na kahit kailan walang nag acknowledge ng pain na nararamdaman nila. Isang mahigpit na yakap para sa mga ina na gusto na sumuko pero pilit na lumalaban para sa kanilang mga anak. Isang mahigpit na yakap para sa inang tingin sa sarili nya ay di sya sapat dahil sa pamumuna ng mga taong nakapaligid sa kanya. isang mahigpit na yakap, para sa ating lahat! anak, isang mahigpit na yakap para kay nanay na pinipiling mabuhay pa para sayo. ? pasensya na gusto ko lang maglabas ng bigat na nadadama ko. sobrang dakit na talaga.

41 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hugs mamshie! Strong tayo,kaya natin yan. Lalo na at andiyan si baby sa atin.hawakan nyo ang isat isa at gawing sandalan ang isat isa para humugot ng lakas sa araw araw. Alam kong may mga araw na,mahirap,may okay,may tama lang,may mas challenging.. Iba iba man ang araw natin,tandaan natin na walang problema ang hindi kayang masolusyunan.ang lungkot at hirap ay panandalian lang at temporary lang.mas lamang parin ang masasayang mga araw lalo na at andiyan si baby. Kaya cheer up mamshie.at sa lahat ng mga nanay dito na nakakabasa nito. Hindi kayo nagiisa. Andito tayo sa app na ito at nagdadamayan. Be strong mamshie! πŸ™‚β€

Magbasa pa

Fighting Mommy, sa anak na lng humugot ng lakas, ngiti,halik at mga yakap lang nila papawiin na yung bigat na pinag dadaanan natin. More power to all the mommies na kahit nahihirapan na lumalaban at ngumingiti pa din. ❀️

...mahigpit na yakap rin sayo na tulad ko nanay. ramdam ko bawat salita na sinambit mo. dahil ako man an ganyan pakiramdam ko pakiramdam ko walang nakakaramdam ng bigat na nararamdaman ko. pakiramdam ko mag isa lang ako.

Big hug πŸ€—πŸ€—πŸ€—ganun din po ako mga momshiee stress ang hirap ng pinagdadaanan nsa first trimester pa lang po ako kaya natin to pray lang po makakaraos din tayo❀❀❀

VIP Member

πŸ€— hug din sayo sis. Kung ano man pinagdadaanan mo. Kaya mo yan.. "mom" ka na eh. πŸ’ͺ Hayaan mo. Isasama kita sa prayers ko. πŸ™

Magbasa pa

Hugs to all mommies out there. Mallagpsan din po natin to. Laban lng tayo mga momshi, bawal muna stress.

Virtual hug mamsh.. Walang katumbas ang sakripisyo ng isang ina para sa kanyang anak. ❀️

Be strong Momshiee πŸ€—πŸ€—πŸ€—β€β€β€ Hindi tayo pababayaan ni LordπŸ˜‡πŸ™β€

VIP Member

Power hug and tight hug po momsh. Go super mom kayang kaya mo yan. 😊😊😊

Hug for you mommy.. Let’s stay strong for our little angels.. ❀️