Introvert

Any introvert moms here? Natatawa ko sa sarili ko e. Nagpplano ko ng 1st birthday ng anak ko. Hindi kasi ko mahilig sa mga party. Pero since hindi AKO yung anak ko. I wanted to atleast give him a party na pwede kong ikwento sakanya someday. (and makita nya sa pics) kasi apparently, yung mom ko kahit sa labas ng bahay lang. Pinaghanda nya ko ng bongga na party for my 1st birthday. Yung pinsan ko naman, kahit mahirap lang sila. Ginawa nya lahat para magkaron ng magandang party anak nya. So I wanted to give my son a party he deserves. So ayun nga, sa mga plans ko okay na lahat. Gastos, Venue, Catering. Alam nyo kung san ako papalpak? Sa Guest list HAHAHA Narealize ko na halos wala akong friends. 5 lang halos friends ko tapos hindi pa same same group. Bale halimbawa. One from college, one from Hs, one from work. Tapos hindi ko naman mainvite mga HS classmates ko kasi halos ilang years ko na sila di nakakausap, yung mga college classmates naman watakwatak na din. So pag nagparty ako almost family lang. ? Kiddie party dapat pero 3 lang kids. Kasama pa dun anak ko. Wala lang share ko lang. Di ko sure kung pupush kami sa party. Pati asawa ko kasi wala rin friends masyado. Nagusap nalang kami na baka mag out of town or check in nalang kami sa 5 star hotel ganun. Swimming swmming. Sabi namin, babawi nalang kami pag nasa school na anak namin. Kasi siempre may mga classmates na sya non. So marami na invited ?

34 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi momsh! Introvert din po ako! Kami po, we decided na magpaparty, maicelebrate lang ang maayos na buong isang taon ng anak namin at ang nairaos namin ang unang taon ng anak namin ng magkakasama kami(dahil isa saminni mister ang mag-ofw). Simpleng party lang po, invited ang family both sides, friends ng asawa ko, ninong, ninang, at bilang na mga kaibigan ko , kasi mga college friends ko ang lalayo naman, kaya highschool friends lang ang meron ako, at baka hindi pa dadalo. Ang mahalaga samin, my babalikan kaming mga memories, lalo na ang anak namin, sa pag laki nya.

Magbasa pa