MAGULANG
In your own opinions, responsibilidad ba ng mga anak ang kanilang mga magulang???

No! Yung parents ko, busy pa rin sila sa negosyo kahit na yung ate ko eh kayang kaya na sila buhayin dahil may business na rin ate ko. And hindi nanghihingi ng pera parents ko sa ate ko para sa mga luho. Tinuro nila samin na pag pera namin, pera namin. Pero lagi tatandaan na yung pera na aangkinin mo ay pinaghirapan mo at hindi galing sa masamang gawain. Tinuruan kaming maging independent sa lahat ng bagay. Ewan ko ba sa ibang pamilyang Filipino na kapag graduate ng anak ay isusumbat na sa kanila lahat. Na kesyo pinag aral ng ilang taon. Sinasabi samin ng parents namin na pag kagraduate namin, tapos na responsibilidad nila samin at malaya na kami gawin ang mga gusto namin. Pero bilang anak na pinalaki ng maayos, hindi kami makakalimot na suklian yon. Pero hindi iyon hingi ng magulang. Kundi kusang bigay. Kaya siguro masama ang loob ng iba magbigay sa magulang dahil na rin sa mga panunumbat at mga responsibilidad na pinapasa ng mgaulang sa anak. Magulang na magugulang. Tumandang paurong.
Magbasa pa

