MAGULANG

In your own opinions, responsibilidad ba ng mga anak ang kanilang mga magulang???

45 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Para sakin oo. Pero ang pananaw ng ate ko, di nya responsibidad ang mga magulang namin. Hindi nya daw obligasyon na ganun. Maganda trabaho nya, nasa 30 na sya pero sa bahay ng magulang namin sya nakatira. Nangungupahan lang kami. Dito rin kami nakatira ng baby ko at asawa ko. Dati nung nagwowork ako at dalaga, konting hiling ng mama ko ibibigay ko. Kung san nya gusto kumaen, dinadala ko sya dun. Ako lang ang nakatapos ng 2 years sakanila. Ang ate ko at bunso namin na lalaki parehong college degree. Gusto na namin magsolo ng asawa ko pero ayaw kami palipatin ng mama ko at gusto nya kasama nya ang apo nya. To make the long story short, nakaasa pa rin ang ate ko. Kami ng asawa ko kami nagbabayad ng upa at kuryente. Pag nagluluto kami, binibigyan ko sila. Pero pag ang ate ko nagluluto, di nya man lang maalok ang nanay ko. Itatabi nya na agad para dun sa bf nya. Pag sa bf nya lagi sya may pera pero ni minsan di nya napautang nanay ko. Galit pa sya pag walang madatnang ulam.

Magbasa pa
6y ago

Grabe naman yang kapatid mo. :(