sipon at ubo

I'm so worried na talaga. Pang 3rd day na hindi okay pakiramdam ko. 1st day natrigger ung sinusitis ko then tuloy tuloy yung haching ko nun, sumama nrin pakiramdam ko and then kahapon til now inuubo na ko. Ung ubo ko ngayon may plema. Ilang araw narin ako puro tubig and kain ng kain ng orange and dalandan.. Nagpacheck na ko nung nakaraan sa lying in clinic na pinagpapacheck upan ko, nirequest ako ng cbc at urinalysis. Pero di ko pa nagagawa kc inoobserve ko pa sarili ko. Hindi naman ako nanghihina eh, sadyang inuubo na ko ngayon.. Ano kaya best thing na gawin?? Okay lang kaya si baby ko?? Huhu.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Gawin mo na ung mga lab tests mommy. May mga viral infections pong nakaka affect kay baby. Nung nasa 2nd tri ako nagkaron ako dry cough. Water therapy lang ang advice ni OB. Ginawa ko naman. Nung ultrasound ko, may nakitang di maganda. Referred ako to perinatologist, ung high risk dr. (Ob rin un pero may subspecialty). Sabi skin possible na may existing virus sa katawan kaya may above normal values sa ultrasound. So reported ko un sa regular OB ko. Sabi nya dapat daw mas naging vigilant sa dry cough ko nun. Continous monitoring ako sa high risk dr, which is sa medical city pa. Tiis talaga kami sa gastos kasi mahal. Pero worth naman kasi during my 34th week scan, nagnormal na lahat kay baby.

Magbasa pa