417 Replies
Alam mo, dumating din kami ng partner ko sa point na ipa-abort ang baby namin dahil sa career at sustento sa family at syempre sa takot. Pero alam ko sa sarili ko at alam ko na sa part nya, masakit at mahirap. Siguro naisip lang namin talaga sa una na mas okay yung ganun, na i-abort. Pero ilang araw lang narealize namin na mali. Na blessing tong baby namin. Umiiyak ako lagi sa takot na baka itakwil ako ng parents ko pag nalaman nilang buntis ako, at sa takot na mawala yung baby namin na minsan ehh napag uusapan at nasasama sa plano in the future. Yun nga lang masyado pang maaga. Nag heart to heart talk kami ng partner ko at sinabi niya sakin na marami pa syang gustong gawin na kasama ako at hindi nya kaya na may mangyaring masama sakin. Habang tumatagal sya sa katawan ko yung baby namin, nararamdaman ko na unti-unti ko siyang natatanggap at minamahal dahil na rin sa sinabi ng partner ko. Kaya wala akong ginawa or ininom na kung ano kasi kilala ko rin katawan ko. Inalagaan ko yung sarili ko, from check up to vitamins. Alalay lang si partner sa gastusin lalo na at LDR pa kami. In a few weeks manganganak na ako at sobrang happy namin ngayon ng partner ko. Yung problema namin financially, nagawan niya ng paraan despite of this crisis na nangyayari, nakahabol kaming mameet yung kailangan para sa baby at panganganak ko. Oo, masarap makipag sex, aminin natin yun. Pero sana maging responsible tayo sa pwedeng mangyari. Kung ayaw ninyo mag proteksyon, at least pag usapan ninyo yung mangyayari pag nakabuo kayo. Kasi hindi lang ikaw at partner mo yung mag susuffer, yung anak mo mismo ang magdadala habang buhay ng ginawa ninyo. I admit na hindi rin kami naging malinis nung una, pero at least hindi namin tinuloy at mas masaya na kami ngayon. At wala na sgurong mas sasaya pa pag lumabas at nasilayan na namin ang baby namin. Kung tinuloy namin yun, baka nagkanda malas malas na kami. Pero etong baby namin puro blessing ang hinatid samin kahit na naisipan namin siyang i-give up. Please learn from your mistake. At habang maaga pa, magpacheck ka na. Mahirap magsisi sa huli 😊
Hindi ko lubos na maunawaan kung bakit nyo naisip sa baby nyo yun pero sasagutin ko po yung tanong mo. 80-90% chances na may effect kay baby yung ginawa ninyo.. lalo na't iniinuman mo ng gamot. Hindi ko po kayo tinatakot, malaki po talaga epekto nun sa baby ninyo. Mostly physical defects like bingot, maliit masyado ang baby, probable heart and lung problems pag pinanganak, chances din for down syndrome, undeveloped growth (like kulang ang mga daliri sa kamay at paa, o di kaya magkakadikit ang mga ito), deformity sa mukha (pwedeng maliit ang isang mata at luwa naman yung isa), or other illnesses pagkapanganak (hindi ko na iisa isahin. Better google it or have it check with an OB para malinawan ka sa mga causes ng ginawa ninyo) 10% ipanalangin mong ok si baby. Hindi mo na kailangang itanong po kung me masamang nangyarinkay baby, dahil high ang possibility na me masama nga pong naidulot sa anak ninyo iyon. Better go to an OB and continue for a regular check up para ma update kayo sa status ng baby mo... hoping na wala ding effect sa iyo iyon.. isinugal mo rin po yung sarili mong health kung tutuusin kasi tinatry nyo patayin yung baby na nakakabit sayo sa loob mo. Praying for your safety and the well being of the baby.
Ako naman sis. Di ko alam na preggy na ako nun at depress ako at nagcommit akong mag suicide ininom ko lahat ng slimming capsule bumilis tibok ng puso ko nun parang sumikip pero yung mom ko pinakain nya akong asukal na madami 5weeks na siguro tyan ko nun then nalaman ko lang na buntis ako thru pt mga mag 7weeks na akong pregnant nun base on my lmp. Tas nagpacheckup ako sabi balik daw ako ng 2weeks kasi wala pang heartbeat baby ko at pagbalik ko may heartbeat na si Baby sabi ni Ob kung may effect daw sa baby ko yung ininom ko dapat di na mabubuhay yung baby ko. May mga iba't ibang slimming capsule daw na herbal lang or may matapang na slimming capsule. Nagbago ako nun pinagsisihan ko yung ginawa ko at todo dasal ako para sa kaligtasan ng baby ko at wala sanang maging epekto sa kanya yung ininom ko sana kompleto pa sya. Awa ng Dyos binigay nya sakin ang napakagandang Baby at healthy at walang komplikasyon pero sabi nila kelangan pa rin obserbahan ang baby. Tiwala ako kay Lord at alam kong sya mas nakakaalam ng mabuti. 😊
Hala, kawawa naman po si baby. Ako din po nung nalaman kong buntis ako natakot din ako kasi alam ko magagalit sakin ng husto ung parents ko kasi mataas expectation nila sakin, and at the same time hindi rin po pinanagutan ng bf ko yung naging baby namin, nadaanan ko na po yang ganyang sitwasyon ung takot na takot ka sabihin sa mga magulang mo. Imagine mo naman sakin ate ung sitwasyon ko plus tinakbuhan ako ng tatay kasi dipa ready. Pero kahit gnun yung kalagayan ko hindi ko naisip na ipalaglag yung baby ko. Dun ko sya mas inalagaan.. at dun na rin ako nagkalakas ng loob na ako ang magisa ang umamin sa mga magulang ko. Kinaya ko kahit ako lang, Kaya sana ganun ka rin ate. Dahil wala naman kasalanan ang baby sa kung anu man ang desisyon mong ginawa. Blessing ang baby.. Magsilbi sanang aral na kung di pa ready wag muna. si baby ang kawawa.
when I got pregnant with my first born, litong lito din ako non. tapos may nakabanggit sakin na uminom ng maraming vitamin c, pampamens daw. bumili ako isang bote pero ni hindi ko nabuksan. Naisip ko na I'd rather na mahirapan ako tapos normal si baby kesa magattempt ako tapos may naging kapansanan si baby. Mas mahirap yun kasi habang buhay nya na yun dadalhin. Everyday when I pray I always ask for forgiveness na sumagi sa isip ko yun noon lalo na nakikita ko ngayon ang panganay kong napatalino at mabait na kuya sa second child ko. I thank God na pinaramdam nya sakin na di ako nagiisa that time kaya nakayanan ko. Pray ka po na sana walang mangyari sa baby mo and ask for forgiveness kay Lord at pati na rin sa baby mo. If meron man syang maging problema, alagaan mo nawa sya ng mabuti na hindi mo nagawa nung nasa sinapupunan mo palang sya.
Nasa tummy plng c baby rejected n agad sya!!😢 Bkit may mga taong katulad neo pasarap lang sa buhay ang gusto!ayaw neo pla ng responsibilidad d sana gumamit kau ng kontraceptive!! Ang daming gusto magkaanak tapos kau binigyan ng Dyos ilalag neo lng!!!walang kwenta neo namang tao! Alam neo inisip neo plng ilaglag yang baby neo nagkasala n kau s Dyos!npaka immoral...😡magalit kna pero yan ang totoo!kung gusto mo yang baby mo d mo susundin ung bf mo!wala k bang sariling pag iisip...it means ayaw mo din ng responsibilidad..nagkataon lng n d nlalaglag yang baby...kaya tinuloy mo nlng...hay kawawang bata i pray walang maging problema yan paglabas! Ung iba nga jan n sobrang alaga s pag bubuntis may mga casef n paglabas ng baby my defect like heart problem!!Nakkalungkot lang bkit may mga taong katulad neo ng Bf mo!
I’m so sorry you have to go through this, pero you should have your baby checked if she’s doing okay kasi nabanggit mo na marami ka nang nainom na gamot. I don’t want to judge your decisions, I’m mostly worried what the medications might have done to your child. Since you already decided to keep the baby, might as well ituloy niyo na lang yan. Hope and pray na lang na okay ang bata sa sinapupunan mo, kung sakali mang may problem, I guess it should be a lesson for you and your partner to not let another life suffer dahil sa pagiging unprepared niyo to face the consequences of your actions. Pacheck up ka na kasi baka maremedyuhan naman kung sakaling nagkaron ng effects sa kanya yung attempt to abort the baby. You should do your level best na alagaan siya kasi wala siyang kasalanan sa inyo.
Tsk very wrong sna.. Alam m momsh share kulang Ako nga hirap n hirap kung alam mulang wla din ako praper p m gamit ng baby ko this april manganganak n ko. Dumaan ako s matinding depression pero nd ako sumuko. Dito s apps nanghingi p ako ng help s ibang mommy n may nd n ginagamit n gamit n baby nila. At may mabuting puso namn at nagbgay. Wla din ako asawa.. At else wla ako kasma s buhay kundi pinsan lang.. Pero ni minsan nd sumagi s isip ko ipalaglag anak ko. Kasi kaslanan yan s diyos buhay kapa sinusunog kana. Kaya sana bago m ginwa nagisip k muna ng maayos.. At natakot sa taas baby is a blessing gift from our god... Sna mommy nd siya naapektuhan s mga gamot n tinake mo at ng nd mo pagsisihan.. Godbless u
Mga Mommy wala nman na po tayo magagawa at infact she tell the true story na pinag daanan nya. Lahat po nag kakamali, I guess, kaya siya humihingi advise dahil sa alam nya mali nagawa niya. Wag po tayong ipokrita, oo alam na ntin mali aminado na sya dun. Now ang kaya lang natin gawin palakasin loob niya. And sayo mommy, kailangan mo mamonitor at sabihin lahat sa OB mo yan.. Pra maobserbahan at magawan dn ng mga test o macheck si baby, pray lang lagi. Siguro naman lesson learned na yan from your mistakes. Wag padalos dalos, isipin po mahigi at ilang beses I intndiin ang gagawin pra sa huli wala po kayo pag sisisihan. Dasal po lagi. Kmaen ka healthy food tska mg pa consult kay doc. Godbless happy new year!
nko teh , ako nga po 18 yrs old buntis , oh pero willing ang partner ko n maging daddy sya , ni vitamins ayaw nya ko mainumin bka daw mkasama s baby , pacheck up muna daw ako bgo uminom , mahal n mahal nya ung baby n nsa tyan ko , hlos lhat binibigay nya .. sna po wlang mangyare s baby mo 🙂 matindi ang kpit n baby , kya panagutan nyo nlng po , pag usapan nyo po ng ayos yn , lalu n , kyo ang gumawa nyan , ako nga po natakot dn akong mag sbi n buntis ako pero nung npanaginipan ko n hwak ko n ung baby , te napakasarap po s pakiramdam , wag mo sna isipin n d k tatanggapin ng magulang mo oh ung baby mo , kse kht anong mangyare , tutulungan kpa dn nla .. pacheck up k po 🙁
Anonymous