WEDDING DOUBTS AND FEARS

I'm pregnant and hindi pa kami kasal ng partner ko, live in kami sa bahay nila. Yung father ng partner ko nag wowork sa church, yung tita nya Pastora so talagang medyo religious father side nya. Napag usapan namin ni partner na mag iipon muna kami, 2-3yrs. from now saka kami papakasal. Kaso last week sabi ng father nya pakasal na daw kami bago lumabas si baby, lahat sila nag agree at okay lang din naman sakin. Medyo excited ako nung una kaso as the days passed habang pinaplano nila yung wedding, parang nawala excitement ko at napalitan ng pressure. Napepressure ako sa preparation na ginagawa nila. Hindi ako makabwelo, puro OO na lang ako. Hays, normal lang ba na ganito maramdaman ko? Minsan parang gusto ko na lang maiyak, malapit na talaga ako mag breakdown. Napepressure na ko.

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sis ilang taon ka na? Actually same na same tayo ng situation before. Christian kasi yung side ng hubby ko and his mom really stands beside the right thing. Which is mag pakasal. Less than 2 years palang kami mag bf/gf ni hubby nun. Like what you wanted, 2-3 yrs ko pa gusto mag pakasal. And to tell you super na pressure din ako and I'm the type of person na oo lang ng oo. But yeah, 1 year & a half na kaming kasal ni hubby and so far ok naman kami. :) If ka sundo mo naman yung Family niya lalo na parents nya, and mabait naman boyfriend mo and di ka sinasaktan, i think it's the right thing to do. :) they say God blesses the relationship when you guys are married :) and I think it's true :) buti nga may plano siyang pakasalan ka, madaming unfortunate moms na hindi na papanindigan and I think swerte ka sa part na yan. Pag dasal mo sis na bigyan ka ni lord ng guidance and provisions and everything will be fine :)

Magbasa pa
VIP Member

Wedding jitters are normal sis don't worry. Maganda din naman makasal muna bago lumabas si baby legally din kasi mahirap din mag ayos ng birth certificate 😅 isa pa kasi sa religious point of view blessings will start flowing sa isang union na sanctified in marriage. Enjoy mo lang ang process sis. Buti ka pa nga may ceremony kami sa huwes lang at ilang tao lang kasama namin 😂

Magbasa pa

Bakit sila po ang nagdedecide? Dpat kaung dalawa ng partner mo. Mahirap yan sis. Wala ng atrasan yan.. 😅😅 at ang nkakairita pa sa ganyan kung sino mas malaki gastos sila ang magdedecide..

kausapin mo LIP mo. open mo sa kanya. sabihin mo nararamdaman mo. para makalma ka nya. at sya ang magandang makipagusap sa pamilya nya.

Bkt ka naman naprepressure? Duda ka ba sa LIP mo?

4y ago

hindi po, hindi si LIP ang issue. parang masyado lang akong natotorete sa mga plans nila.

buti nga ikaw ikakasal e.