57 Replies
Ako ang ginawa ko po kasi alam ko na masasaktan ko magulang ko lalo na mama ko, gumawa ako ng pakulo ni wrap ko yung pregnancy test ko at ultrasound ko, pinaganda ko ang pag balot sabi ko sa kanya early birthday gift ko kasi aug.17 bday niya, aug 1 ko sa kanya binigay late ko na nalaman na buntis ako kasi irregular ako at wala naman ako naramdaman na pag babago sa akin 3mos na tiyan ko nun pero di pa halata, sobra ko nasaktan c mama, nung pg bukas niya ng gift ang saya niya pa pero nung pka kita niya iyak siya ng iyak yung bf ko di na alam gagawin at sasabihin niyakap ko c mama umi iyak na rin ako kasi ayaw ko nkikita c mama na umi iyak. Natural na mapagalitan kasi kasalanan ko naman pero siyempre mahal ako ng magulang ko kaya sinuportahan nila ako. Tsaka nasa tamang edad na rin kasi ako. Ngayon I'm 7mos happily married with 3mos baby boy. Sa una di talaga nila matatangap pero pag nakita na nila apo nila mawawala na lahat ng yun. ❤️
yung sa part ko naman nung nalaman kong komg buntis ako kasi expected naman namin, una kong sinabihan mga kapatid ko then nagalit ang mama ko nung nalaman nya, may sakit kasi ako sa aa puso at yun inaalam nya kung ano nangyari bat ko daw gonawa bat daw di kami nakapag hintay sobrang iyak na iyak ako non pati nanay ko pero nung makapag pa check up na ako regarding sa puso ko at clear na lahat, naging okay na din, papa ko normal lang reaksyon tapos ayun nagplano na kami mag civil wedding at married na kami. need lang ng lakasan ng loob momsh kasi kayo kayo lang din magtutulungan, think positive lang po
1st of all ilang taon knaba sis? Kung wala kpang 18 at pnag aaral kpa nku expect mo na tlagang mgagalit cla sayo .. pero kelangan mong panindigan yan. Ngaun plng umipon kna ng maraming lakas ng loob. Wag mong icpin ung galit nla sa ngaun. Basta kelangan nlang malaman agad. Kung mgalit man sila sayo tnggapin mo lahat. Isahang sakit lang yan after nyan mghihilom dn yang prang sugat. Mggng ok din ang lahat. Basta wag mglilihim. Sabi kc ng parents ko nung ngaaral pko mga mgulang ntn cla karapatan nla malaman lahat satin lalo kung sa knila pa tyo nka depende. Mas msasaktan cla pag d mo cnabi agad.
gnyan din kami ni bf, sakanila pinaalam na, dto sa bahay di pa namin ma open2. parehas na kmi nasa tamang edad, pero takot pa kami parehas! so hanggang pinahalata ko na msyado ang tiyan ko para malaman na nila, di ko na maitago rin.. 19weeks na ako nun nang tinanong ako ni ermat kung buntis ako, di sinabi kong oo, ano daw plano ko dto, sabi ko pupunta naman dto sila bf kasama mama at papa nya,bahala daw kami, matatanda mana daw kami, nasa tamang edad na mana daw..di ko iniexpect kasama mga tito at tita nya. ayun namanhikan na at by december kasalan na namin..
Wow buti sau a. Kami kakagraduate palng kasi namin. Pero may trabaho na ako.
Sabihin mo na habang maaga pa..para masuportahan din ang pagbubuntis mo... Ganyan din sakin..umpisa palang kasi ng trabaho ko..(pero nagsosolo na talaga ako mga 2 yrs na) kaso syempre..dami pang plans both sides..tutulong pa dapat sa family etc... Talagang madidisappoint sila pero kailangan sabihin eh...kinausap ko lang mama ko...sabi ko may sasabihin ako then pinahawak ko ung tiyan ko...(months na kong buntis nun eh)..mix emotions siya..masaya dahil unang apo at malungkot kasi maiiba na ang mga plano... lakasan lang ang loob kailangan nila malaman eh
Ngayon ok na!!😊 Happy na mga 1st time lola... 1st apo din kasi sa side ni mister... Spoilled na sa mga lola si baby...
Kinausap ko parents ko ng ako lang mag-isa. Sinabi ko lang na magpapakasal na ako, saka magkaka apo na sila. Umiyak kaming tatlo. Nagalit papa ko sakin, 1 buwan din bago nya ako kinausap ulit. Nasa edad naman na din ako. Graduate na at may regular na trabaho. Normal lang na magalit sila, lalo na kung di ka pa kasal. Pero eventually, matanggap din nila kalagayan mo. Dasal lang. Wag sasama loob mo pag napagsabihan ka, tanggapin mo nalang lahat ng sasabihin nila. Masakit pero kailangang tiisin.
Ganyan din situation ko nun nung nalaman Kong buntis na pala ako.. .in a first place di ko alam ang gagawin ko kung paano namin sasabihin ng boyfriend ko sa parents ko.. Pero nilakasan na namin ang loob naming magtapat sa kanila... Hopefully nung Una nabigla lng sila pero happy naman sila sa news na ibinalita namin... Lalo na magkakaapo na sila mas magwowory pa nga sila sa lagay mo at sa magiging baby mo.. Congrats at God bless..
Kung paano mo nilakasan ang loob mo na pasukin ang bagay na hindi pa dapat gawin, ganun ka rin dapat katapang harapin ang mga resulta na mga decision mo sa buhay without consulting ur family,..in the end of the day, they are still ur family, magalit man cla or what tanggapin mo lang, nagkamali ka at hindi mababago ang nangyari kung itago mo man o hindi, kailangan mo parin ng pamilya na aagapay sayo sa sitwasyon mo,..
In a nice way momsh. Kausapin mo sila ng masinsinan. 'Yung tipong kayo lang. Tapos, sabihin mo 'yung gusto mong sabihin. Laksan ang loob momsh. Ok? Ganan din ako nung una 😅😅. Sobrang laki din ng expectation nila saken eh. Kakagraduate ko lang last year tas kakapasa lang din ng board tas nabuntis. Pero 'di naman sila nagalit, tampo oo. Pero maiintindihan ka naman nila kase anak ka nila 😊😊😊
Oo nga po. Maalaki talaga expectation nila. Kagragraduatr ko lang naman buti may trabaho na ako.
Mainam sis magsabi ka kesa malaman pa nila sa ibang tao.. tanggapin mo kung magalit sila sayo o mapagsalitaan ka ng di mgnda may karapatan sila gawin un. bumawi ka nlng pagkapanganak mo saka di ka dn naman nila pababayaan kase andyan na yan ee.. mainam na magsabi ka at di mo naisipan magpaabort. Mas ok na yan mawawala rin galit nila dapat dalawa kayo ng partner mo kumausap sa pamilya mo
Anonymous