smokingstressmom
I'm pregnant 25 weeks but I'm seriously stress and I can't stop smoking what should I do?

Mamsh i feel you. Smoker din kasi ako at sobrang stress to the highest level sa stress. Mula sa tatay ng baby ko hanggang sa family ko hanggang sa sarili ko. Lahat ng nakapaligid sakin puro stress binibigay. Pero kelangan mong labanan yan para sa baby mo. Sa lakas kong magyosi nung nalaman kong buntis ako agad agad tinigil ko Alam ko hindi ganon kadali pero palagi mong iisipin ang baby mo. Hindi porke stress ka idadamay mo ang anak mo. Di mo ba naisip na yang magiging epekto ng pagyoyosi mo sa baby mo paglabas nya baka pwedeng panghabangbuhay na stress ang ibibigay sayo? Ilabas mo sa problema mo ang anak mo. Ang batang nasa tyan mo ang magpapabago sayo. Ako mamsh kayang kaya ko na kahit walang yosi kapag natatakam ako ginagawa kong maging abala sa ibang bagay. Maya maya lang kalmado na ako ulit. Kaya mo din yon mamsh! ๐
Magbasa pa