Ilang months po kayo gumamit ng Girdle after nyo manganak?

I'm planning to buy Postpartum Girdle, pero advise ng Mama ko na h'wag muna daw agad gumamit ng Girdle. Kayo po ba? Thanks!

6 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sa first baby ko normal delivery, nagbinder po ako. Yes babalik yung tyan sa normal size pero di na same nung dati kasi naexpand. Support din po sa tummy yun para di mapwersa lalo na pag buhat si baby. Sa 2nd baby ko naman CS po ako, pang 3rd month ko na nakabinder pa rin kasi sabi ng mga co-workers ko wag daw ako tumulad sakanika na after nanganak saglit lang nagbinder ayun malalaki tyan nila now parang preggy pa rin. Tsaka nakakatulong din po binder sa pagheal ng tahi lalo na traditional cut ako hindi naman bikini cut.

Magbasa pa
VIP Member

Hindi ako gumamit ng girdle or anything. Hindi siya NEED dahil na din vaginal birth naman ako. Lumiliit naman talaga ang tummy after manganak and hindi saggy. Maintain proper healthy diet and exercise parin kahit breastfeeding mom para makatulong maging strong uli ang core at bumalik sa dati ang tummy.

Magbasa pa
2y ago

I see. Thanks for the info sis! ☺️

CS po ako pagkadischarge tinuruan ako paano linisin ang tahi ko then inadvise ako na gumamit ng girdle. pero 1mo lang di ko na tinuloy, makati kasi sya at mainit. hehe kung normal del po kahit wag na, pero choice nyo kung bet nyo ☺

VIP Member

Kapag cs po need po ng binder. Pero pag normal no need naman, although kung comfy po kayo gumamit ng girdle, makakatulong rin po sa posture niyo. Nakakasakit rin kasi ng likod magpadede.

Pag CS po medyo kailangan ng girdle mii pero sakin kasi dati di na ko bumili meron naman pinrovide sa ospital and wala pang isang buwan di na ko gumamit ang init kasi sa katawan.

2y ago

Noted mi. Thank you! ☺️

ako di ako gumamit ng girdle kumain kalanq nq mqa gulay na nakaka tulong mag pawala ng postpartum