Deciding

I'm getting tired of my husband. For now he is our financial provider since I just gave birth a month ago. The problem is he is always lying even for a simple thing and I dont know why. Hindi naman rin ako yung babaeng sobrang babaw na magagalit agad kapag may ginawa sya. Last time na nagsinungaling sya dahil lang sa damit na ginamit nya sa pagbebest man nya. Tinanong ko kung saan galing sabi nya hiniram sa barkada then I found a receipt from a rental store worth 1k (500 deposits) tapos sinabihan ko sya na bakit pa sya kailangan magsinungaling di na lang nya sabihin yung totoo. Second yung Skin sa isang hero sa mobile legends, may binili sya noon which is worth 500 hinayaan ko sya parang pakunswelo kung baga pero after non binabawalan ko na syang bumili dahil mahal mga skin sa larong yon sayang ang pera then nakita ko may bagong skin na naman sya. He's keep on insisting na hindi sya nangungupit sa mga perang binibigay nya lagi nyang pinagmamalaki sa akin na buong sahod nya binibigay nya sa akin (Ako naman nagbibigay kapag hihingi sya basta bayad na lahat ng bills). Alam mo yun simpleng bagay bat kailangan pa nyang magsinungaling. Issue ko na dati sa kanya yan na lagi naming pinag aawayan, kapag may gusto sya hindi nya icoconsult sa akin go go na lang sya basta tapos kapag gipitan na doon nya sasabihin sa akin. Last year may cp sya nabasag ang screen dahil tinanggal nya yung case tapos kinukuliy nya akong ikuha sya sa home credit ng bago ( yung cp nya na nabasag halos 1 year pa lang at gumagana pa kahit basag) ako naman ayoko dahil marami pa kaming bayarin noon. Sabi ko tapusin muna namin mga hinuhulugan tapos ikukuha ko sya. Ngayon hindi nakapaghintay nagpakuha sa kaibigan nya which is sabi nya sa akin pinapahulugan daw ng kaibigan nya yun sa kanya kase binigay lang ng company nila at binenta sa kanya sa mababang presyo. (Hindi ko po sya kinuhana agad ng cp noon dahil ang dami pa po namin binabayaran na sya rin ang kumuha, pinagsabay sabay nya yung ref, aircon, washing machine, speaker habang may dalawa pa kaming motor na hinihulugan. Sinabihan ko sya na wag pagsabay sabayin baka di kayahin pero kaya daw kaya hinayaan ko) pero umabot kami sa point na kinakapos dahil sa dami ng bayarin sabi ko 3 months kukuhanan ko sya pero hindi sya nakapaghintay kahit okay pa naman yung cp nya may konting basag lang sa screen. Yung konting pagtitiis sana dahil halos 20k binabayaran namin per month non hindi nako makahinga sa mga kinuha nya pero yung gusto pa rin nya yung sinunod nya. Oh dba ang galing? Tapos kotse, sabi nya byanan ko raw maghuhulog, kumuha silang kotse ng mama nya, ang sabi ko kesa kotse bat di na lang tayo tulungan ipatapos bahay namin dahil may sari sarili naman kaminh motor hindi pa kailangan ang kotse pero kinuha pa rin nila. Tapos malaman laman ko halos kalahati lang pala binabayad ng byanan ko at sa boundary ng mga motor namin kinukuha yung kalahating panghulog. Cinonfront ko sya noon pero pinalampas ko na lang kase anjan na at para wala ng usapan. Hayy napapagod nako sa mga kasinungalingan nya. Tapos kapag nag aaway kami minumura nya ako which is ayoko ng minumura dahil may pinag aralan naman ako. Hindi ako laki sa pamilyang palamura kaya ayoko ng mura pero minumura nya ako kapag nagagalit sya kapag cinoconfront ko sya. Parang nanliliit ako sa sarili ko kapag minumura ako. Ayoko non. Nagpapasorry sya pero gagawin nya ulit. Parang gusto ko ng humiwalay. Hindi pa rin sya nagbabago. Ang nagbago lang sa kanya e binibigay na nya sa akin mga kita nya. Naghiwalay na kami noon ganitong ganito rin stay at home mom ako noon ngayon naman nakamaternity leave lang. feeling ko porke nagbibigay sya ng pera ginagawa na nya gusto nya. Madalang nya lang rin akong tulungan sa gawaing bahay kung hindi lang ako magpapatulong. Isipin nyo after ko manganak CS ako nakakapagwalis walis nako, wala pang isang buwan nakakapaglinis nako ng bahay, wala syang kusang gawin yon dahil nakikita nyang ginagawa ko. Parang give up nako. Pinagbigyan ko na sya last year na magsasama kami ulit kung magbabago sya pero ganito na naman. I know am financially capable even without him. He is getting worst. Hindi na sya yung taong nakilala ko. He can be a father to our children but most of the time he spend more time playing on his phone. I dont find him as a husband anymoe because if the things he's doing. He don't respect me anymore. Edit: Hindi rin ako mahigpit sa pera sa kanya. Kapag magreremit sya kukuha sya ng 200 per day para pang gastos nya. Binibigyan ko rin sya kapag humihingi sya. Nagiging mahigpit lang kapag inuuna ko mga bills. Hindi rin ako bumibili ng mga bagay na gusto ko kase nilalaan ko yung mga binibigay nya sa mga gastusin namin, needs kung baga. Hindi nga ako gumasgastos ng pangsarili ko galing sa mga binibigay nya dahil sanay akong gastusin ang perang pinagpaguran ko (may work naman kase ako, nakamaternity leave lang ngayon). Kahit sumasakto kami or kinakapos wala syang naririnig sa akin, kahit 100, 200 minsan naiuuwi nya hindi ako nagrereklamo, lagi ko pang sinasabi na malay nya bukas kumita sya. Pero sana sabihin nya yung mga dagdag expenses nya. Na minsan magugulat na lang rin ako na may naniningil na kaibigan nya dahil nangutang sya ng hindi ko alam, na hindi rin sa amin napaglaanan yung hiniram nya. May 4k, 3k, 2k pero ang narinig nya lang sa akin is tanong kung saan nya ginamit at sinabi ko na wag sya mang uutang ng hindi ko alam para di ako nabibigla. Hindi ko alam kung mali ba na unahin ang wants kesa sa needs? Mali ba na humingi ng palugit para mabigay ang gusto nya? Na alam naman rin nya na nagigipit kami ?

35 Replies

Same tau ng situation sis, cgro sa paghahandle nlng yan. Kasi ako dn humahawak ng lahat. At hnd ako nagpapastress ng dahil sa pera 😊 proper budgeting lang po yan. Unahin m itabi lahat ng bills, at needs ng anak nio. Ihiwalay ang sobra dun nio kunin ang pang araw2 at konting wants nio. Since si hubby ang ngwwork, minsan pinagbbgyan ko sya. Hhingi ng pang inom konti, at dahil gamer dn sya bmbili minsan ng steam card once is enough 👍 ok lang skn kc unang una sya ang nagpagod dyan. Hehe sympre gsto ntn smooth lang ang pagsasama at never po pagawayan ang pera ❤️ kaya kme kht sakto lng at minsan short dahil nagaaral sa private anak nmen happy pdn kme ❤️

True. Needs before wants rin ako momsh. At alam nya yung mga gastusin namin at alam nya rin na kinakapos kami dahil mahina income ngayon lalo na tag ulan, mas humina pa income dahil nakamaternity leave ako sa work pero hindi nya maiwasang gumastos ng mga bagay na hindi kailangan. Kapag naghihingi sya momsh binibigyan ko sya, minsan nga sya pa pinapakuha ko sa wallet kase sinasabi ko kunh saan nakalagay yung pera namin. As much as possible ayoko rin na maging issue yung pera sa amin, ang ayoko lang sa kanya is nagsisinungaling pa sya kahit hindi naman kailangan. Ewan ko ba kung nasanay na lang ba sya talagang nagsisinungaling or what. Ganyan rin kase sya sa mama nya, financially man or hindi madalas nagsisinungaling sya which is sabi ko wag sya magsinungaling dahil malalaman ko rin naman at hindi naman big deal mga pinagtatakpan nya. Minsan nga momsh 100 lang naiuuwi nya or 200 dahil mahina kapag midyear pero wala syang naririnig sa akin. Ako kase basta bayad mga bills may pagkain sa ha

Swerte ka nga sis lahat ng kita sayo ang bagsak. Ang masaklap unahin nya lahat ng luho nia bago ibigay sau ang sobra. Ung asawa nio po nagssinungaling na kasi nasasakal na cgro sa inyo. . Sorry ah un kasi intindi ko base sa kwento mo. Ikaw may hawak ng pera meaning pag may gsto ka o kailangan mo pwde m na bilhin kc sinurrender n sayo ung kita, pero sya lahat dadaan sa abiso mo muna at galit ka bago m sya pagbgyan e sya tong nagbabanat ng buto kaya minsan cgro napupuno ndn. Pagusapan nio yan sis. Kung ok sau sbhn mo ikaw ang magwwork, sya magalaga ng baby nio. Para mranasan nio hrap ng bawat isa 👍

Ha? Saan ko po sinabi na nagagalit ako kapag humihingi sya? Never ako nagalit kapag humihingi sya. Besides po kapag magreremit sya kukuha na sya ng 200 para pang gastos nya sa isang araw at wala syang naririnig sa akin. Yung pera po na binibigay nya sa akin sinasabi ko kung saan nakalagay, kaya kung may bibilhin sya sa tindahan sasabihin ko lang na kumuha sya sa wallet. Never akong naging madamot sa kanya. Yung cellphone na kinuha nila ako po nagbayad non sa sarili kong sahod dahil nagipit na sya. Kung hindi sya magigipit hindi nya sasabihin sa akin na nangutang sya ng cellphone, pero binayaran ko pa rin. At hindi po ako bumibili ng mga wants ko gamit ang pera nya. Lahat ng binibili ko ay para sa mga anak namin at needs which is pinagpaaalam ko rin po bago ako gumastos, kahit kapag nagbabayad po ako ng ilaw, tubig, internet sinasabi ko sa kanya para alam nya kung saan napupunta pera namin. Yung mga binibili ko ay galing po sa mama ko, nakakahiram ako kase nagkaproblema sa maternity ben

Mamsh. . sbhin mo skanya dretso mga concerns and plano mo Kung d siya mag bago. And Kung ano na state ng nararamdaman mo. D nmin kilala mister mo like u do.. and Hindi Rin nmin Alam side Niya.. all I can say is to be open sa nararamdaman mo sa knya and be honest everytime. And he if really want you and your family together he will do something about it. If not.. up to you mamsh but for me it means im not important and im just a companion. I'd rather make some arrangements and plans for my self and the benefit of my child/children

Ginawa ko na yan momsh. Nung Dec 2018 lang kami nagkahiwalay, noon naman puro sya barkada, laro, hindi nya binabantayan anak nya inaasa nya sa byanan ko. May point pa na nagwowork akong gabi tapos sa umaga mag aalaga pako hindi nako nakakatulog ng maayos kahit may trabaho ulit ako kigabihan dahil pumunta sya sa mga barkada nya. Hindi rin sya nagbibigay sa akin noon. Yung pinang gagastos ko yung sinasahod ko. Hanggang hindi ko na kinaya nung last time na kumakain kami at binaligtad nya yung platong may pagkain at nagbasag ng plato, lagi nya rin akong minumura noon, after non almost 3 months kaming hiwalay, ang ginawa ko naghanap ako ng mas malaking sahod na trabaho para sa anak ko dahil ayoko na syang balikan noon pero pinilit lang ako ng parents ko na pagbigyan pa sya. Kaya binigyan ko ng konsisyon na magbago sya at bumukod kami. Bumukod nga kami at binibigay na nya yung kita nya sa akin pero parang same treatment pa rin 😞😞

Masyado kang naghihigpit sa pera sknya kaya nagagawa niyang magsinungaling sayo. Hayaan mo siya ma enjoy kung ano gusto niya, reward nalang niya yun sa pagtatrabaho nya para sa pamilya niyo. Wag mo masyado dibdibin mga expenses niyo. Ikaw na din may sabi financially capable ka naman. Why put the pressure on your husband kung pwede naman chill lang kayo. 1yr basag cp ng husband mo ayaw mo pa ikuha ng bago. Grabe ka naman din. Material things lang yan. Life is too short para magpa stress sa pera

Hindi po sya 1 year na basag. Wala pang 1 year old cp nya tapos nabasag lang yung screen. Wala pang 1 month basag yung screen pero gusto na nyang palitan. Yung pressure po is galing rin sa kanya dahil pinagsasabay sabay nya yung mga inutang nya. Yung pagbabayad kasama e kasama na po yun sa sahod ko. Which is nappressure na rin ako dahil wala ng natitira tapos gumagawa pa sya ng mga bagong expenses na hindi ko alam. Alam mo yung feeling momsh na malaki na yung kita nyo minsan pero kinakapos dahil sa mga extra expenses nya na hindi ko alam. Ako kase ayoko ng maraming utang 😞 nagppressure ako kapag may alam akong bayarin every month pero sya mas gusto nya yun. At despite na nakikipagteamwork ka sa bayarin e yung treatment sayo is wala ng respect.

Bakt prang maluho po yung husband nyo to the point n kelangan n po nya magsinungaling akala ko po babae lng magastos pati din po pala lalaki ang hubby ko nag ml din sya pero never mu sya mapapagastos ng dahil lng sa skin ng hero nya,ang irereason out nya is laro lang un at d n sya binata n pde gumastos ng dhil lang sa laro,pero may time pdin po n ng aaway kmi dahil nman po sa lud n d nman po kataasan ang gastos,bka nglate bloom ang hubby nyu momshie

Palayasin mo nlng sis. Sabihin mo buhay binata sya. Ee kun gusto nya maging binata edi umalis na lng kesa nakakadagdag stress lang sya. Sabihin mo kung tutuusin mas madaling mag isa kung katulad nya ang kasama. Pero kung mapapagusapan nman. Pagusapan muna

Ung point lang na minumura ka na niya eh..sorry ha pero sakin ung mapagtaasan lang ng boses iba na dating sakin.... gusto ko sabihin hiwalayan mo na kasi feeling binata pero iniisip ko din dapat sana thru thick and thin malagpasan niyo magasawa ang problema niyo, malay mo sis magbago kaso panahon lang makakapagsabi... kaya minsan doubt ako magsettle kahit nabuntis nako ng partner ko baka mga gantong cas3s ang pagdaanan ko...

Yun nga momsh e. Nasa point nako na tinatanong si god kung hanggang kailan ako hoping na magbago sya. Actually iniisip ko after ko magmaternity leave sasabihin ko na sa parents konyung problema namin. Sa akin kase kapag minura mo yung tao meaning wala kanang respeto sa kanya at ayoko yon. Second chance naman na rin nya to ang iniisip ko rin saan ako makakahanap ng magbabantay ko sa isang pre school at infant ko 😞 nagwowork lahat kase sa side namin e

Mdalas kc lalaki nasusunod sa pg desisyon, aq Ayko dn ng mga hulugan kc pg ng sama sama sa bills sabay sabay ang laki na.. Monthly almost 25k mga byarin nmin.. Minsan gsto q isumbat sknya ung mga byarin pero hnd q nlng ginagawa kc xa dn ngbibigay ng pambayad.. Ung point q lng is mhirap mg budget.. Tpos ngayon Alanganin pa xa sa work nya na mtanggal..so pano nlng kmi? Pno na mgiging baby nmin, buntis pa nmn aq.

Ako momsh di ko man sinusumbat sa kanya. Lahat ng sinabi ko nasa isip ko lang mga yan, kase ayoko rin kase sya mapressure sa pera. Ayoko lang magsisinungaling sya kaya lumalaki lalo gastos

Yung husband ko ngpapaalam p skn bgo nya bilhin..skn ok lng, pera nmn nya yun saka napo provide nmn nya needs nmin swerte q lng dn kc kht dto kmi s in laws q nktra, wala clang nasasabi kht mnsan lng mkpg share sa gastucn, ok lng mababait cla hnd gaya sa bahay nmin. Kausapin m nlng xa ng masinsinan po lahat nmn nadadaan sa mabuting usapan. God bless

naku momshie hirap sitwasyon mo. ako kc lhat ng gastos namin parehas kmi may gusto pra walang sisihan sa huli hehehe. consult each other dpat at do the numbers if kaya talaga ng budget. at npaka swerte ko na sa asawa ko kc hnd nya aq pinapakilos mag lakad lakad lng dw aq okay na. sana maging maayos kaung mag asawa.....pray lng po...

Minsan sa atin po mga girls kahit gusto natin kumalas pero mahirap kasi nga ang madalas na rason ay pera tayo ay nakaasa lamang sa mga asawa natin.. Sana po maging matatag tayo na kaya nating tumayo sa sarili natin po.. Mag trabaho po tayo or mag hanap nga pagkakakitaan para hindi po masaktan sa huli..

May work ako momsh, hindi ako umaasa sa kanya financially nagkataon lang na nakamaternity leave ako kaya wala akong sariling income every 2 weeks. Hindi naman problema momsh yung pera, ayoko lang yung nagsisinungaling sya at yung minumura ako lalo na hindi naman sya lahat nagshoshoulder ng bayarin namin the entire year, ngayon lang. Kung maghihiwalay man kami alam ko sa sarili ko na hindi naman ako mahihirapan financially iniisip ko lang kung hanggang kailan pa ba ako aasa na may changes pa.

Trending na Tanong