Pre Labor Or Not?

Hi im a FTM gusto ko lang po malaman kung @ 35 weeks and 2 days sino nakakaramdam na kagaya ko ng hirap sa paghinga, madalas na pag ihi, paninigas ng tiyan, pagsakit ng balakang at parang may tumutusok sa maselang parte ng katawan? Lalo na pag gabi or kapag naglalakad lakad? Kasi yun po yung nararamdaman ko mga mamshie. Any suggestions or advice? Tia.

10 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hello sainyo mga momshies.ganyan po ako ng buntis ako laging naninigas ang tiyan ko.pero naninigas lang sya.ng tinanong ko sa OB ko nag lalabor pala ako.pero hindi labor na manganganak na kundi ang pag labor ko labor premature.kaya binigyan ako ng gamot na pampakapit.pinagpahinga ako ng ob ko pinag bed rest.kaya kayo mga momshies pa consult po kayo sa mga ob nyo.para malaman nyo ang dahilan kung bakit naninigas ang mga tiyan nyo. 2 months palang po ako sa panganganak ko. And thanks to God safe kami ng baby ko.God bless you sainyo mga momshies..keep praying lang po tayo๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™

Magbasa pa
VIP Member

Hi momsh same ata tayo ng duedate . July 18 35weeks and 2days . Hirap din ako sa paghinga madalas din ang pag ihi ,minsan naninigas din tiyan ko pero hindi pa naman sumasakit balakang ko, my discharge bang lumalabas sayo sis? Magpa IE ka na sis baka open na cervix mo para maresetahan ka agad ng pampakapit incase na nagprepreterm labor kana.

Magbasa pa
4y ago

July 18 dn duedate ko at lahat po ng nasabi ninyo , nararamdaman kona .

Sabi ng midwife saken 33 weeks and 5 days palang pala si baby. Yung nararamdaman ko daw baka pre term labor so tinurukan ako ng pampatibay ng baga ni baby and kelangan hydrite muna lagi tsaka bed rest๐Ÿ˜… wag daw muna ko maglakad lakad sa july nalang daw hays. Keep safe saken at sa inyo din๐Ÿ’• thank youuuuuu.

Magbasa pa
VIP Member

๐Ÿ™‹โ€โ™€๏ธsame 31 weeks and 5days. Minsan ganyan din nararamdaman ko. Mabigat na kase si baby. Nakalagay naman yan dito sa app kaya no worries. Pero kung matinding sakit na talaga nararamdaman mo pacheck up ka po sa OB mo.

35 weeks here. Hirap lang sa paghinga at madalas na pagihi at paninigas ng tyan ang nararamdaman ko pero wala pang pagsakit ng balakang pacheck up kana sis baka bukas na cervix mo.

Me momshie, 35weeks Napo ako at lahat nang Sabi mo ay nararanasan ko Rin . Hindi nga ako makakatulog Ng maayos sa Gabi, at mga 4 na bisis ako umiihi sa Gabi, kaka pagod.

Me too lahat yan feel ko... 37 weeks na ko ngaun ata grabe paninigas ng tyan ko madalas talaga... Last ie sakin 3 cm na.. Pero mataas pa daw..

Ganyan din ako 32 weeks na ko. Right now, sobrang hirap kumuha ng hininga. ๐Ÿ˜ฃ

Narramdam ko rn yn pero 32weeks and 3days plang ako

VIP Member

Consult your ob mommy