Milk Supply

Hello! I’m a first time mom and I have always been so enthusiastic about breastfeeding KASO I noticed na my milk supply is not enough for my baby. I’m taking M2 and Natalac. I also tried Galacto Bombs. May mga times na more than an hour na nakalatch si baby. Inoobserve ko pag swallow niya if may naiinom ba talaga siya and I know for sure na kulang. I’m currently mix feeding para naman kahit papaano fed si baby kaso my partner does not want me to mix feed kasi mas better daw breastmilk. Aware naman ako dun pero ano gagawin ko kung di talaga sapat yung milk supply ko? Lagi na lang namin pinag-aawayan ‘to. As for me, I don’t mind mix feeding. Kasi nakabreastmilk pa din si baby and I’m confident na busog din siya through formula milk pag lang kulang breastmilk. To be honest, sobra na akong nappressure about breastfeeding. I also feel discriminated sa sinasabi ng ibang tao about me giving formula milk to my baby. Kung sapat naman milk supply ko, di na ako magfoformula eh. Any advice? 😔 #FTM #firsttimemom #firstbaby #pleasehelp #breastfeeding

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kamusta output? poop and wiwi meron naman po ba kung pure BF? if meron.. means sapat ang nadedede niya sayo.. hindi mo po yan makikita sa pag swallow niya.. yung tagal sa pagsusu niya.. ganon talaga yun mi lalo na kung nagcclusterfeed si baby halos buong araw yan sususu sayo.. Law of Supply and Demand. the more na mag papasusu ka the more na magpproduce ng milk ang breasts mo... at the more na magbibigay ka ng formula milk ganon din ang bawas ng milk supply mo.. at lalo na kung masanay sa formula si baby hahanap hanapin na niya yun... actually ganyan din sa akin nung na NICU baby ko nag mixfeeding na nga sa nicu pag nauubos na yung pinatatabi kong pumped milk.. pero pag uwi namin napaso lang yung Enfamil kasi mas finocus ko direct latch ang baby ko. at til now nagpapasusu pa rin ako 19mos old na si baby.. Godbless mi.. nasasayo nalang po yan desisyon kung mag mixfeeding ka or gusto mo mag pure BF nalang.. di din ako against sa mga mommies na nagfformula.. lahat naman tayo ang gusto lang naman natin mabusog ang mga babies natin.

Magbasa pa