Feeling down.. 😓

I'm feeling down and depressed lately. I have a 10yo child. Then may anak kami ni LIP (jowa for 5yrs lip for 2yrs) which is 2 months old. I am working as a homebased freelancer before I got pregnant (VA, Appointment setter, SMM..etc) May savings ako and all. Which is yun yung ginamit namin para sa mga expenses namin dito sa bahay, except sa bills since yung mother ko na nasa abroad nagpapadala pangbayad ng bills. Lately madalas kami nag aaway ni LIP dahil sa pera. Madalas nya kinukwenta yung nagagastos nya sa expenses dito sa bahay. Like foods and diaper ni baby. Wala po syang work, nag ba-buy and sell lang ng kung anu ano..sinusumbat nya na kelangan nyang magbenta or naubos na napagbentahan nya ng ganito ganun because of our daily expenses na 2months palang naman sya naging in-charge. Though, mula tumira sya dito sa bahay ang natatandaan ko lang na binigay nya is P20k cash before sya mag move in 2 years ago..since nagpa expand kami ng room. Other than that daily expenses, kain sa labas, bili ng kung anu ano..,online shoping. ako na lahat. Maski check up at bayad sa lying in nung nanganak ako. Hindi nya rin maalagaan baby namin wala pang 10mins nya karga nagrereklamo na sya na nakakangalay dw o malikot natatakot sya baka mahulog. Madalas nakakain na sya ako hindi pa dahil ang aalaga ko sa baby namin hindi manlang nya mabantayan para makakain ako. Hindi kami nag uusap ni LIP ngayon since yesterday, napikon ako sa paulit ulit nya na need nya ibenta yung stuff nya dahil need ng pera, ultimo 2 monay na kinain ko sinumbat nya sakin ng pabiro. EBF ako kay baby kaya madalas gutom ako..isa pa naglaba ako kahapon, nag asikaso kay baby, naghugas at nagsaing. Natural gugutumin talaga ko. 😫 Now I'm struggling to find a new job na nonvoice sana kasi gusto ko na kumita ulet at magkaroon ng sariling income. Nakaka depressed lang nakakaiyak. Hindi ko sya maasahan kahit saang bagay. Minsan naiisip ko nagkamali na naman ako. Naulit na naman nakakuha na naman ako ng walang kwentang lalaki. 😓😓😓

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi mamsh, alam ko mahirap ang pinagdadaanan mo. Lalo pa mahirap kasi quarantine ngayon. Single mom ako and nung time na nanganak ako wala ako katuwang except mama ko. And message ako nang message sa friends ko. Hope you can find someone you can talk to about this. Be strong!

4y ago

Super hirap..single mom ako sa first born ko. Kinaya ko with the support of my family specially ng mom ko. Ngayon hindi ko masabi sakanila yung problem ko dahil ayokong masira si partner sakanila..pero feeling ko habang tumatagal sarili ko pang din pinahihirapan ko. We never talk about things that we fight..we never discuss our problems. Hindi sya open makipag usap, pag may conflicts bigla nalang hindi kami mag uusap..after few days parang walang nangyari. Nothing has been fix..