Induced Labor or CS

I’m currently 38 weeks and 4 days. July 4 ang EDD ko. Estimated baby weight is 3.3 kg. Pang 2nd baby ko. My 1st baby is now 10 years old and when I gave birth to her she was just 2.5 kg. Sabi ng OB ko today mataas pa daw ang baby and close pa ang cervix ko. Nahihiraparan daw bumaba ang baby kasi malaki daw. Advise niya sakin is to have induced labor daw kasi baka makadumi ang bata sa loob. My question is kapag induced labor ba sure po ba na manonormal delivery ko siya? Kasi sabi ng midwife sakin baka hindi din kaya baka maCS din ako. When I asked my husband magpaCS na daw ako, pero for me baka pwedeng magintay pa ng ilang araw baka bumaba na siya at magopen cervix na ko. Any advise?

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Momsh nasa pag uusap niyo ni mister mo yan kung anu mapagdesisyunan niyo pwede kasi bumaba pa siya since 38weeks palang .. Kung ang tanong mo kung sure ba na manonormal.. May posibilidad pa rin talaga mauwi yan sa CS kung mag open cervix tapos mataas pa rin si baby saka madadagdagan pa weight ni baby pagdating mo ng 39weeks pataas.. Ako sa panganay ko induced labor naka epidural.. Nag 8cms na ko pero d bumaba si baby almost 16hrs ako nag labor.. At nauwi pa rin sa emergency CS kasi onti nalang panubigan.. At ang masasabi ko mas napamahal ako kasi may bayad ang tagal ko sa labor room + yung CS procedure 7years ago na yan 115k ang nabayaran namin.. Kaya eto 2nd baby ko talagang nag pa CS nalang ako kahit pwede na VBAC.. Kaya nasasayo na yan mii pag usapan nyo ni mister mo

Magbasa pa