Induced Labor or CS

I’m currently 38 weeks and 4 days. July 4 ang EDD ko. Estimated baby weight is 3.3 kg. Pang 2nd baby ko. My 1st baby is now 10 years old and when I gave birth to her she was just 2.5 kg. Sabi ng OB ko today mataas pa daw ang baby and close pa ang cervix ko. Nahihiraparan daw bumaba ang baby kasi malaki daw. Advise niya sakin is to have induced labor daw kasi baka makadumi ang bata sa loob. My question is kapag induced labor ba sure po ba na manonormal delivery ko siya? Kasi sabi ng midwife sakin baka hindi din kaya baka maCS din ako. When I asked my husband magpaCS na daw ako, pero for me baka pwedeng magintay pa ng ilang araw baka bumaba na siya at magopen cervix na ko. Any advise?

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Momsh nasa pag uusap niyo ni mister mo yan kung anu mapagdesisyunan niyo pwede kasi bumaba pa siya since 38weeks palang .. Kung ang tanong mo kung sure ba na manonormal.. May posibilidad pa rin talaga mauwi yan sa CS kung mag open cervix tapos mataas pa rin si baby saka madadagdagan pa weight ni baby pagdating mo ng 39weeks pataas.. Ako sa panganay ko induced labor naka epidural.. Nag 8cms na ko pero d bumaba si baby almost 16hrs ako nag labor.. At nauwi pa rin sa emergency CS kasi onti nalang panubigan.. At ang masasabi ko mas napamahal ako kasi may bayad ang tagal ko sa labor room + yung CS procedure 7years ago na yan 115k ang nabayaran namin.. Kaya eto 2nd baby ko talagang nag pa CS nalang ako kahit pwede na VBAC.. Kaya nasasayo na yan mii pag usapan nyo ni mister mo

Magbasa pa

Sakin 39weeks. Estimate sa ultrasound ko na 3.5kg si baby pero nilabas ko sya 3kg lang naman. So pwede pa bumaba o tumaas weight ni baby since estimate lang nasa ultrasound. Na induce din ako. Almost 16hrs pero hanggang 3cm lang din and di bumaba yung baby. Kahit di pa ko na a-IE ng umaga, nag decide na ko prior na magpa CS kasi magdamag labor ko and na feel ko tlga na wala na kong lakas umire. Pero ending need din tlga ako i CS sbi ng OB ko. Kung magpapa induce ka i isuggest sa araw siguro para di ka puyat kasi di ka papatulugin ng sakit. Pwede mo naman mainormal pa yan, dpende sa response mo sa pampahilab saka may nagkakanormal naman na mas malaki pa baby sayo. Pero wag mo din tanggalin possibility ng CS. Good luck and have a safe delivery.

Magbasa pa

sa case ko po nimanual rupture ang panubigan ko (para makita na kung nakapoop na ang baby sa loob) then dinoble ang pampa-induce. do'n pa lang ako nibrief ni ob na kapag within 2hrs at hindi pa nadadagdagan ng 2cm ang opening ng cervix ko is ic-CS na 'ko kase wala ng reason para hindi magprogress ang opening ng cervix kase nga wala na panubigan at induced na. thank God, from 6cm sunid sunod na hilab na na super sakit (di ko masabi kung mas masakit ang induced sa natural labor since FTM) within more or less 30-45 mins nag-9cm ako momsh. pray lang. trust your baby, your ob, the whole delivery team and your body. babae tayo, we were made to give birth. ✨💪❤️

Magbasa pa

Trust your instinct mii, kasi in my case 41W 4D nako pero di parin ako naglalabor na stuck ako sa 2cm. Nag decide na kami na magpa induced kasi baka maka poop. Malaki chance na ma normal mo yan mii kasi i aassess ka naman ni OB if kaya or hindi. If hindi kaya, yon lang yong time na magdedecide sya na mag CS ka. Pero I'm telling you, di basta2 pain ng induced labor kahit pa naka epidural ako. 😭 Try mo pa mag antay ng ilang araw mii baka sakali mag labor kana.

Magbasa pa

Induced labor din ako. 14 hours nag labor from 11am na 2-3 cm to 1am na 8-9 cm. FTM ako at within sa labor ko, nakasabi talaga ako na mag pa cs na ako buti nalang di agad nag agree partner ko. Thanks God nairaos ko din baby ko nung June 16, 2022 via normal delivery. Iprefer CS kana lang. Di pa din 100% sure na ma normal mo yung baby mo and di ko ma explain yung sakit ng gamot ng induced labor. Goodluck mommy.

Magbasa pa

Induced ako kasi pumutok water ko green na kulay nakapoop na si baby. 3am un. 8am ako ininduced kasi closed cervix pa talaga. Ung induction na ginawa is may ininject sa cervix ko mismo. From closed cervix, naging 7cm by 11am. Fully dilated ako around 2pm sguro yun. Mabilis oero SOBRANG SAKIT. Parang sinaniban. Short lang kasi pain tolerance ko. Dpende talaga sa tao

Magbasa pa
VIP Member

mga mommy di po ba nakakatakot mainduce tapos walang hilab na nangyayari?tumitigas lang?37 weeks po ung sister ko 5cm no sign of labor tapos based kasi sa LMP nya 40 weeks na so ininduce pero walang nangyari.ano dapat gawin mommies .normal naman po heartbeat ng baby at nasa bahay na sissy ko wala daw talagang sakit eh.

Magbasa pa

induced labor din ako...normal delivery naman, July 1 pa ang due q sana...mgpapacheck up lng sana kz ako kaso nung na IE ako 4cm n daw and manipis ung cervix q kaya inadmit na ako.after ako turukan ng pang induce 1hr lng den nilabas q n si baby...hindi naman ako nahirapan s labor.

TapFluencer

Kung ako sayo momsh, dun kana sa sigurado po, ako nga cord coil si baby sa tyan ko pinipilit kong iCS nlng para sure na safe si baby paglabas kaso ayaw ni OB. trust your OB momsh sa recommendations alam na nila case mo. go for CS momsh, para rn sa safety mo and kay baby.