Financial support
Im currently at 36 weeks of my pregnancy and scheduled for CS na on nov 6. Mula ng malaman kong buntis ako nung May, nagsimula na ko mag-save ng money. Every sahod nag tatabi ako ng 4k at halos umabot na sa 60k ang ipon ko ngayon. Yung partner ko nakapag bigay sakin ng almost 8k siguro sa buong pag bubuntis ko. Mas mataas ang posisyon ko sa pinag tatrabahuhan namin kaya di naman ako nag expect na sasagutin nya panganganak ko. Pero yung halos ako lahat, check up, gamot, laboratory at kung ano pa lahat ang gumagastos. Ni mag initiate na gusto nya ko samahan sa check up ko di man lang nangyare. Sobrang iba yung ineexpect ko from him. At ngayon na mas malaki gastos dahil CS nga ako, himingi ako ng help financially. Suggestion nya humiram sa mama nya at bayaran ko pag nakuha ko na sss maternity benefits ko. Wala man lang kusa sa part nila na magbigay ng pera pra sa gastos. At eto pa, ang sabi nya since nung gf bf kami is ako yung gumagastos samin, inexpect nya na pati sa pag sasama namin ganun din mangyayare. Grabe tlga nakaka stress. Mapagmahal sya sobra, maalaga. Pero pag dating sa pera, wala ka talaga aasahan sa kanya. Di ko mashare sa friends ko kasi ayokong magmukang kawawa.
Hoping for a child